After how many months of pain and sufferings finally, tapos na ang pagiging 2nd year college student ko.
I finished my 2nd year life being a dean lister. Consistent ang pagiging dean lister ko mula noon hanggang ngayon kaya sobrang proud ng parents ko.
Si Rigel naman ay as usual, top student na naman sa klase nila. We celebrated our success together at tagaytay. And as a gift to me, he gave a cute and fluffy puppy!
It was chubby Golden Retriever na pinangalanan kong Zeus. Nang tinanong kasi ako ni Rigel anong ipapangalan ko sakanya ay Zeus ang una kong naisip. Naisip ko nga rin na pangalanan siya na Meowy kaso hindi approve kay Rigel ang pangalang iyon. Pang pusa daw at hindi bagay sa aso.
"Zeus, come on! Let's take a walk. You need to exercise!" Engganyo ko sa aso kong tamad na nakahiga sa carpet ng bahay namin.
Cute na aso si Zeus. Tamad nga lang at puro kain lang ang alam. Ang taba taba na niya kaya gusto ko siyang maglakad-lakad dahil hindi din naman healthy ang sobrang taba sakanya.
Kaso sa nangyayari ngayon ay parang mas gusto pa ata ng asong ito na humiga lang at kumain kaysa mag exercise upang maging healthy.
"Baby, we need to take a walk. May pupuntahan pa tayo ng daddy mo mamaya, diba?" Umupo ako sa harap nito at hinawakan ang kanyang magkabilang gilid upang buhatin ito patayo.
Nagdiwang naman ako ng maging matagumpay ako sa pagtayo ngunit agad din akong sumimangot ng bumalik na naman siya sa pagkakahiga.
"Baby naman eh! We need to exercise to become healthy tsaka may date tayo with daddy kaya get up na!"
Nakabihis na ako ng pang-jogging attire kaso ang aso ko naman ay tamad. Nag-attempt na naman ako na patayuin siya kaso failed na naman.
"Bahala ka diyan! May foods pa naman doon mamaya." Tumayo na ako upang iwan siya at ako na lang ang magjojogging pero nakuha ata ng salitang 'foods' ang loob ng aking aso at ginanahan tumayo.
Labas ang dila nitong tumakbo papunta sa akin at iginalaw ang kanyang buntot.
"Ikaw ah, pagkain lang talaga ang nasa isip mo!" Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi dahil ang cute niya.
Sobrang lusog ni Zeus para sa two months puppy. Puro kain lang kasi ang ginagawa at spoiled pa sa aking mga magulang kaya palaging busog. Palibhasa ay wala na kaming bata dito sa bahay kaya sobrang nawili sina Mama at Papa kay Zeus.
Spoiled din ang asong ito kay daddy Rigel niya. Palaging binibilhan ng mga damit at toys na sinisira lang din naman ni Zeus. Marami din palagi ang dalang pagkain ni Rigel kapag dumadalaw dito sa bahay kaya malaki palagi ang ngisi ng aso kapag andito ang daddy niya dahil maraming pasalubong na naman.
"Zeus hinay hinay lang sa pagtakbo! Maawa ka naman kay Mommy!" Kung kanina ay tatamad tamad si Zeus sa pag-e-exercise, ako naman ngayon ay hihingal hingal dahil sobrang bilis ng takbo ni Zeus.
May nakita kasi siya kanina na puting butterfly na dumapo sa kanyang ilong kaya nang lumipad ito ay hinabol na niya kaya pati ako ay nahila dahil hawak ko ang kanyang tali.
"Stop!" Sigaw ko at tumigil sa pagtakbo kaya tumigil din sa pagtakbo si Zeus. Hawak ang aking tubod ay hinihingal akong tumigil habang si Zeus naman ay nagpupumiglas dahil gusto pa niyang habulin ang butterufly.
"Baby stop running. Hindi ka kayang habulin ni Mommy. Alam mo namang hindi sanay maghabol si Mommy."
Pinunasan ko muna ang aking pawis bago magpatuloy sa pag-jogging. Ngayon ay hindi na tumatakbo ng mabilis si Zeus dahil nawala na rin ang butterfly sa kanyang paningin. Siguro ay dumapo na iyon sa mga bulaklak at naiinis na dahil hinahabol siya ng baby ko.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...