Rigel left our house and I decided to spend my night here. Pag-alis ni Rigel ay nakatanggap ng ilang sapak at batok si kuya mula sa akin at kina Mama at Papa. Ang kalat kasi kahit kailan.
Ngayon naman andito ako sa loob ng isang coffee shop at hinihintay si Rigel. Sa loob kasi ng isang linggo naming pag-aaral ay isang beses lang kami nagkita at noon pa yun ng family dinner slash prank ni kuya. He really wanted to visit me and have a date with me every after our school hours pero sinasabihan ko siya na huwag na lang. Ang hirap kayang mag-drive ng isang oras mula school niya hanggang sa school ko. Alam ko kung gaano ka nakakapagod yun tas may klase pa kinabukasan kaya napagdesisyunan ko na ngayong weekend na lang kami mag-date.
Gustong gusto ko rin siyang makita ngunit mas matimbang sa akin ang safety at study niya. Why bother driving for so long every after class kung pwede niyo namang makita ang isa't-isa tuwing weekend kung saan ay hindi kayo busy at mas mahaba ang oras na makakasama niyo ang isa't-isa.
Nag-order lang ako ng isang Americano habang naghihintay kay Rigel. Ilang minuto din ang lumipas bago ko matanaw ang isang pamilyar na sasakyan na nag-park sa labas ng shop. Alam ko kaagad na si Rigel yun. Kabisado ko kaya ang plate number ng sasakyan niya.
Agad kong natanaw si Rigel papasok ng shop habang inaayos ang buhok niya. He looks so cool with his outfit today. Dumagdag pa ang shades niya na hindi niya pa rin tinatanggal kahit nakapasok na siya sa loob. Bakit ba ang hilig nito magshades?
Nakita kong nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap kay itinaas ko ang aking kamay para makita at mapansin niya ako. Andito kasi ako sa bandang gilid at hindi masyadong madaling mapansin. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin at tinanggal ang shades niya.
I was admiring him while he walks toward me with that familiar smile in his face. Mas nagpadagdag pa sa appeal niya ang paglagay niya ng kanyang mga kamay sa bulsa niya.
Pero napawi ang ngiti ko ng may nakita akong batang lalaki na umiiyak habang nakabuntot sa likuran niya. Namumula ang ilong nito habang tinutuyo ang mga luha gamit ang kanyang palad. Hindi ko kaagad ito nakita kanina dahil natatakpan siya ni Rigel at ang liit pa niya. Tansya ko ay nasa 4-5 years old ito.
Rigel sat infront of me habang tumayo naman sa likod niya ang bata. Rigel gave me a peck on my cheeks pero nasa bata pa rin ang atensyon ko na nakanguso na at tumigil na sa pag-iiyak.
"Hey sunshine! Are you listening to me? Where's my 'I miss you' kiss?" Rigel frowned ng hindi ko siya sinagot ngunit ipinagsawalang bahala ko lang ito dahil iisa lang ang tanong na nasa isip ko ngayon.
"Anak mo?" Diretso kong tanong kay Rigel na muntik ng masamid. Ni hindi ko man lang napansin na nakikiinom na siya sa Americano ko.
"What?"
"Yung bata-" Nginuso ko ang bata kaya tumingin naman siya sa bata "-anak mo ba yan?"
Kung titingnan ay may pagkahawig ang bata kay Rigel. Ang ilong nito na matangos, mapungay na mata, at makinis na itsura. Kahit sino siguro ay mapapatanong kung anak nga ba niya ang batang ito.
"What are you talking about, Asha? Mukha ba akong tatay? Paano ko naman magiging anak eh wala namang nangyari sa ating dalawa." Sabi nito na sinamaan ko ng tingin. Alam namang may bata kaming kasama pero ang bibig walang filter.
"Hindi naman niyan naiintindihan ang mga sinasabi ko kaya huwag kang mag-alala." Loko talaga ng pokemon na to.
Nilapitan ko ang bata na ngayon ay nakatingin sa akin. Ang cute niya. Sarap pisilin ng pisngi.
"Hello baby boy! Anong pangalan mo?" Niliitan ko pa ang boses ko ang nagsalita na parang bata na dahilan upang matawa si Rigel. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa bata.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...