Chapter 22

63 6 4
                                    

"Matagal pa ba?"

"Medyo matagal pa daw sabi nila."

Bawat segundo ay napapatingin ako sa aking orasan. Bakit ba sobrang tagal matapos ng mga speech nila?

Napapahilamos na lang ako sa aking itsura sa tuwing makikita ko ang paggalaw ng orasan. Halos dalawang oras na akong nakaupo dito at nangangati na aking puwet na tumayo.

Meron kasing program ang department namin ngayon kung saan may mga CPA na nagbibigay ng tips at experiences nila sa amin. Mga alumni sila ng aming eskwelahan.

Kanina pa ako nagmamadali na matapos na ang kanilang mga sinasabi dahil may gagawin pa ako.

Isang oras pa ulit ang lumipas at mas lalong nauubos ang pasensya ko. Kanina ko pa gustong umalis dito at gawin na ang ang gusto kong gawin. Yun nga lang ay bawal tumakas. Kapag nahuling tumakas ay bawas sa grado. Isa kasi ito sa mga performance task namin. Ang makinig sa mga speech nila.

Bandang alas-kuwatro ng hapon ng matapos ang programa namin. Dali dali kaming lumabas ni Marie at pumunta sa pinakamalapit na mall sa eskwelahan namin upang bumili ng mga gamit na kakailanganin.

"Ano ba ang mga kailangan nating bilhin?" Tanong ni Marie.

Si Marie lang muna ang kasama ko ngayon dahil susunod lang daw mamaya si Ella upang tumulong sa pag-ayos.

"I need balloons. Lots of red and white balloons." Kailangan marami upang mas maganda tingnan.

"Helium or not?"

"Helium para lumilipad."

"Got it."

Pagkatapos ko siyang bigyan ng instruction ay agad naman siyang umalis upang maghanap ng mga balloons.

Ako naman ay dumiretso sa store kung saan may mga binebentang christmas lights.

Bumili ako ng apat na white Christmas lights. Pagkatapos kong makapagbayad ay dumiretso ako sa bilihin ng mga ribbons at sticky notes. Bumili din ako ng ilang post cards.

Napangiti naman ako ng may nakita akong isang pikachu na keychain kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha na iyon bago magbayad.

Paglabas ko ng shop ay andoon na si Marie na naghihintay at hawak ang mga balloons na binili niya. Madami ito at tsaktong tsakto lang upang mapuno ang sala ko.

"Where to go next?"

"Bibili ng regalo." I said at nauna ng maglakad. Napatigil naman ako sa paglalakad ng hindi sumunod sa akin si Marie.

"Why are you just standing there?" I have no time to waste right now. Konti na lang ang oras na natitira.

"Baka naman gusto mong ipasok muna ang mga balloon sa loob ng kotse mo?" My mouth formed an 'o' shape when I realized na mahihirapan kami kapag dala dala namin ang balloon sa pagbili ng iba pang kailangan.

"Right, we gotta put that first in the car." I said and we went first to my car to put the balloons.

Pagkatapos ay pumasok na naman kami sa mall upang bumili ng regalo. Naisip ko na ang pikachu keychain na lang ang ireregalo ko ngunit mas gusto ko pa rin na magbigay ng regalo na sa tuwing titingnan niya ay maaalala niya ako.

"Ano ba ang magandang regalo, Marie?" Kanina pa kami paikot-ikot sa mall ngunit wala pa rin akong makitang magandang regalo.

"Ano pa ba ang wala sakanya?" Saglit naman kong napaisip.

Ano pa nga ba ang wala sakanya?

Parang lahat naman ay nandiyan na sakanya. Kotse, pera, mapagmahal na pamilya.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon