Chapter 3

111 9 0
                                    

'In my dreams~ you're with me~
We'll be everything I want us to be~~'

It's sunday today at kakauwi lang namin galing simbahan. Kasama ko nag-simba sina Ella at Marie na ngayon ay kumakanta na wala sa tono. Dito na sila dumiretso sa condo ko upang makakain ng libreng lunch magtapos magsimba. Mamayang hapon naman ay pupunta kami ng Mall upang mamasyal at mamili ng mga kailangan.

Kasalukuyan akong nagluluto ng lunch namin at nasa sala naman sila. Rinig rinig na rinig ko dito sa kusina ang ingay nila.

"Pwede ba Marie! Tigilan mo nga ang pagkanta mo! Ansakit sa tenga!" Reklamo ni Ella.

"We are living in a democratic country so you don't have the right to stop me from singing." Sagot naman ni Marie. "It's my right to sing freely and you should deprive me of that!" Dagdag pa niya.

Shooking yun ah. San kaya niya nakuha yun?

"Hala girl improving yung english natin ngayon ah. Nakanuod ba ng bagong teleserye? HAHAHA" pang-aasar ni Ella na sakanya na halatang nagulat rin kay Marie.

"Ay nabasa ko lang yun sa isang libro. Triny ko lang, feeling ko kasi ang galing galing ko pag sinabi ko yon hahaha." Loka loka talaga kahit kailan ang babaeng to.

"Luto na pala yung pananghalian niyo mga mam. Baka naman gusto niyo pang ipaghain ko pa kayo?" Sakrastiko kong sabi sa kanila.

"Hala sige yaya at ipaghain mo na kami ng pagkain. Nagugutom kami ng aking kapatid." At tumawa pa ito.

"Nakakabwiset talaga kayo. Bahay niyo? Bahay niyo?"

"Hindi. Pero kaibigan namin ang may-ari. HAHAHA" I just rolled my eyes at dumiretso sa kusina. Sumunod naman sila at tinulungan ako maghain.

Habang kumakain ay nagdadaldal lang si Ella tungkol sa nangyari sa family dinner nila. Pinipilit na kasi siya ng mommy niya na magka-gf na. Todo ayaw naman daw siya kesyo daw masyado pa siyang busy sa pag-aaral pero ang totoo niyan ay ayaw niya mag-gf kasi nga boyfriend hanap niya. Hindi pa kasi alam ng parents na bakla siya at natatakot siya na umamin dahil baka mapalayas siya sa bahay nila.

"Ay Asha may tanong pala ako sa'yo"

"Ano yun Marie?"

"Ba't nga pala mukha kang bad mood noong bumalik ka sa table natin noong friday?" Tanong niya at napatigil naman ako sa pagkain.

Tumigil rin si Ella at tumitig rin sakin na parang naghihintay rin ng sagot. Siguro nakwento na nila Marie ang ginawa namin sa bar noon.

"Ahm.... w-wala lang yun. Inaantok na kasi ako at parang may tama na kaya ganon lang yung modo ko." Pagpapaliwanag ko.

Hindi nila ako nilubayan ng tingin at halatang hindi sila kumbinsado sa sagot ko. Pinanlakiha ko na lang sila ng mata at umubo naman sila ng peke at sinabing naniniwala na raw sila.

Ayaw ko ng pag-usapan ang nangyari sa bar. Masyado akong napikon sa lalaking yun. Akala mo kung sinong mayabang kung makasabi ng ganon. Ang taas naman ng confidence niya. Mas mataas pa sa Mt. Everest. I swear kapag nagkita talaga kami ng lalaking yun gaganti talaga ako.

Pagtapos ng encounter ko sa lalaking yun ay dumiretso na ako sa table namin. Umupo ako ng padabog na siyang nakakuha ng atensyon nina Aya. Hindi ko napansin na nandito na pala silang lahat sa table at mukhang ready na umuwi. Tinanong pa nila ako kung bakit daw ako bad mood tas sinabi ko lang na inaantok na ako.

Wala na rin naman masyadong nangyari pagtapos nun. Nagpasya na kaming lumabas ng bar at umuwi dahil malalim na rin naman ang gabi. Ibinaba muna namin sila Aya at Lara sa dorm nila. Sunod ko namang ibinaba si Marie sa kanilang bahay at tinahak na ang daan ko pauwi ng condo ko. Dumaan muna ako sa isang convenience store na bukas upang makabili ng instant soup para may makain ako kinabukasan kapag inatake ako ng hangover.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon