Chapter 19

68 6 0
                                    

Nang gabing iyon ay nagpahatid ako sa condo ko pagkatapos ng date namin ni Rigel. Nakangiting pumasok sa unit at hawak ang labing hinalikan niya. I could still feel his lips on mine.

Ngayong araw naman at pumasok ako school na may nakangiti kaya hindi na ako magtataka kung kanina pa ako tinitingnan nila Marie na parang isang weirdo.

Paniguradong nagtataka na sila sa kung anong nangyayari sa akin. Kanina habang may klase at inspirado akong makinig sa guro at mag-take down notes. Nakita ko pa ngang nakangiwing tumingin sa akin si Marie kanina pero nginitian ko lang siya. Inspirado pa naman ako dahil sa kiss ni Rigel. Kung alam ko lang na ganito pala ang epekto ng miss niya at matagal ko na siyang hinalikan.

"Anyare sa babaeng yan?"

Rigel is bringing out my inner malandi self dahil sa date namin kahapon. Kailan kaya next date naming? Gusto ko sana na try naming ang streetfood date. Yung tipong tig-pipiso lang na fishball, mga kikiam, kwek-kwek, at iba pa.

"Hindi ko nga rin alam. Kanina pa yan sa klase nakakita at active na sumasagot sa mga tanong."

"Baka inspired."

Sabihin ko kaya Rigel na mag-streetfood date kami. Mura na nga, mabubusog ka pa. Suggest ko talaga sakanya yan.

"Asha, hindi mo pa ba kakainin yang chocolate cake mo? Baka naman gusto mong ibigay sa akin."

Text ko na ba siya na mag-date kami? Kaso baka busy siya. Ayaw ko naming istorbohin ang pag-aaral niya. MAs importante pa rin yun kaysa sa date namin.

"Hala! Hindi namamansin. Di kaya sinapian yan?"

"Batukan mo! Batukan mo!"

"Ikaw na lang kaya! Pag binatukan ko yan paniguradong gagantihan niya ako."

"Alangan naman ako. Edi nasira ang feslak kong maganda."

Hindi ko talaga inakala na maganda ang boses ng pokemon na yun. Matalino na, gwapo pa, maganda pa ang boses. Swerte ko talaga na ako ang jowa niya. Pero siyempre swerte din siya dahil akong jowa niya.

"Ano...Sapakin ko na ba?

"Oo, at baka sakaling magising ang diwa ng babaeng yan!"

And his kiss... I could still feel it. I unconsciously touch my lips. Napapangiti ako tuwing naaalala ang labi niyang matamis.

"Ngumingiti siya!"

"Hala! Nabuang na!"

Puntahan ko kaya siya sa school niya mamaya? Tutal maaga naman matatapos ang klase ko.

"Asha."

"Asha!"

"Atasha Nicole Bautista!"

Kinikilig ako tuwing sumasagi sa isip ko ang magandang niyang boses habang kumakanta ng Can't help falling inlove. Napakagandang tunog sa aking tenga. Parang...parang...

"Asha si Rigel nandiyan!"

"Nasaan?" Sigaw kong tanong habang ininilinga ang ulo ko.

Nasaan si Rigel? Akala ko ba may klase siya ngayon? Di kaya pinuntahan niya ako ditto?

"Kita niya, pangalan lang ni Rigel ang solusyon upang pansinin niya tayo."

"Iba talaga ang nagagawa ng pagiging inlove."

Patuloy pa din ako sa paglinga at hindi inalintana ang mga taong napatingin sa akin ng mapasigaw ako.

"Nasaan si Rigel?" Tanong ko sa kanila nang hindi ko siya makita.

"Andoon sa school niya, nag-aaral." Napsimangot naman ako sa sagot ni Marie.

"Seryoso nga. Asaan siya?" Excited pa naman akong makita siya.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon