Chapter 29

24 6 0
                                    

Our world is filled with unknown things and unexpected happenings.

Gaining and losing is how life works. You gain something that you'll lose in the end. You lose something that someone would gain.

But sometimes, in life, the thing that we lost can eventually get back to us. In this second time around, we should take care of them or else, we're going to lose them again.

Same goes with the persons we met. Some will only stay for a while but some will stay until the end. Those who go, leaves us with a lesson. A lesson that will teach and guide us always.

But there is a chance wherein the person who left will come back and it's up to you if you are going to accept them again.

And I never thought that that would happen to me.

"Ako to, Asha. Si ken-ken, ang batang nangako sayo na papakasalan ka paglaki natin."

Hearing him say that, I don't know what to feel. Should I rejoice because the person I am looking for is here already?

I don't know what to do. My mind is in total mess right now.

"You're joking, right?"

Alam kong sa pagsambit niya palang ng mga bagay na tungkol sa akin ay may posibilidad na siya ang aking kababata ngunit hindi ko kayang maniwala. Paano na lang kapag isang patibong lang pala ito upang makuha ang aking loob?

"Maniwala ka man o sa hindi, pero Asha, ako talaga to. Ako to si ken-ken at hindi ako nagbibiro. Maniwala ka sa akin... please..." Pagsusumamo niya at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit umiwas ako.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata dulot ng pag-iwas ko sakanya.

"Nagdududa ka ba, Asha? Hindi ako magsisinungaling! Kung gusto mo ay tingnan mo ang larawang dala ko." Ani niya at ipinasok ang kamay sa bulsa. Inilahad niya sa aking harap ang isang kumang litrato. "Tingan mo. Tayo yan, diba sabi mo huwag kong iwawala ang litratong ito upang hindi kita makalimutan."

Sa lumang litratong hawak niya ay makikita ang isang batang babae na todo ngiti kahit bungal naman at isang batang lalaki na matangkad at naka-akbay sa batang babae na hawak-hawak ang isang teddy bear. Pareho silang naka-peace sign at makikitang masaya silang pareho.

Alam ko sa sarili ko na ang batang babae ay ako at teddy bear na iyon ay ang teady bear na ibinigay ni ken-ken sa akin. At ang batang lalaki...hawig niya si Kenzo at hindi maipagkakaila na siya nga iyon.

Pero bakit hindi ko kayang matanggap?

Dahil ba nag-akala ako na si Rigel at ang kababata ko ay iisa? Dahil ba magkapareho sila ng palayaw? Hindi ko na alam ang gagawin. Napatulala na lang ako sa litrato.

"W...why?" Namamaos ang aking boses ang hina na nito. Hindi ko alam kung ano ang tamang salita ang dapat kong sabihin.

"B-bakit...bakit ng-ngayon ka lang?" Pahina ng pahina ang aking boses at unti-unti itong napapalitan ng munting hikbi.

Bakit ngayon lang siya muling nagpakita? Bakit ngayon pa na may Rigel na sa aking buhay?

"Would you choose me instead if I came back here earlier?"

I was stunned with his question.

Am I going to choose him over Rigel?

"I don't know." I said in a low voice.

Gulong-gulo ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot.

I heard him sighed ang licked his lower lip.

"It's okay. Atleast I'm back, right?" Alanganin niyang tanong at ibinuka ang kanyang kamay, motioning me to hug him.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon