Chapter 39

18 6 0
                                    


The next day, my kuya gave me a slice of chocolate cake in a container so I have something to eat. I am planning to return the handkerchief that Jeno offered me. I washed it last night and made sure that it smells good.

"Ingat ka, ah. Wag tatanga-tanga lalo na sa pagdedesisyon at mas lalong huwag maniwala agad sa mga nakikita mo." Huling bilin ni kuya bago ko kabigin ang manibela ng aking sasakyan. Paulit-ulit na lang siya sa mga sinasabi. Pinapamukha niya talaga sa akin kung gaano ako katanga.

"Siguraduhin mo ding sa atin mapupunta ang kustodiya ni Zeus!" Rinig kong pahabol niyang sigaw at nakita ko siyang kumakaway sa akin sa pamamagitan ng side mirror. 

Anong kustodiya na naman ang pinagsasabi niya? Hindi naman ako papayag kung sakaling hingin ni Rigel na ibalik sakanya si Zeus.

Duh! Kahit siya pa ang tatay ay hindi ako papayag na makuha niya si Zeus. Ako ang nanay at ako ang nagpalaki kaya sa akin lang si Zeus. Tsaka binigay na niya ito sa akin kaya walang bawian.

Muntik na akong ma-late pumasok dahil medyo traffic at malayo ang pinapasukan ko. Kung sa condo ako galing ay medyo malapit lang kaso nga lang ay sa bahay ako natulog kaya naging malayo.

Natanaw ko na may tatlong tao na nakatayo ngayon sa aking mesa. Sigurado akong si Anjie ang isa at ang dalawa naman ay mga pareho naming accountant din. Bakit kaya sila andyan?

"Ayan na pala siya!" Turo sa akin ni Keena, isa sa mga babaeng nakatayo sa harap ng aking mesa.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tiningnan ko si Anjie ngunit umiling siya tanda na hindi niya rin alam kung bakit andito sila.

"Pagdating ko dito ay nandito na sila kaya lumapit ako." Usal ni Anjie at tiningnan ang dalawang nakangisi sa akin.

Unang nagsalita si Keena at kinamusta ako. Nagtataka man ay sinagot ko lang siya. Ano kayang nakain nila at nangamusta?

"Uhmm Asha..." Humawak si Jancha sa aking balikat at hinimas ito at pabebeng nagsalita. "Close kayo diba nina sir Montermeso at sir Claveria." Pinungay niya pa ang kanyang mata na hindi naman bumagay.

"Bakit? Lalandiin mo sila?"

Muntik na akong matawa dahil umasim ang itsura ng dalawa nang magsalita si Anjie.

"Mukha ba kaming malandi?" Taas-kilay na tanong ni Keena.

"Hindi lang mukhang malandi dahil malandi talaga kayo."

Nagalit ata si Keena sa sagot ni Anjie kaya inakma niyang sampalin si Anjie. Buti na lang at nasalag niya ito.

"Huwag ka namang high-blood Miss palaging Keena-kati. Napaghahalataan ka." Ni hindi man lang natakot si Annie at nagpatuloy pa sa pang-iinis.

"Ikaw ang manahimik, Anjie. Si Asha ang kinakausap namin pero ikaw naman yung sagot nang sagot. Kulang ka sa pansin?"

Pabalang na na binitawan ni Anjie ang kamay ni Keena at hinarap si Jancha.

"Kung kulang ako sa pansin ikaw naman ay kinulang sa talino at tela. Taghirap ka na ba at pati tela ng damit mo ay tinipid? Oo alam kong mas malaki ang boobs mo kaysa sa akin pero hindi mo naman kailangang ipangalandakan iyan. Aanhin mo yang malaki mong suso kung wala namang gatas na pangdede ang anak mo."

Pansin ko nga rin mula pa kanina na ang ikli ng mga damit nila. Sobrang lantad ng cleavage at kulang na lang ay pumutok ang mga ito sa sobrang hapit ng damit. Kapag yuyuko naman ay paniguradong makikita na ang mga tinatago nila. Sana ay nagsabi sila nang nakadala ako ng damit para sakanila na hindi kinulang sa tela.

Pero hindi ko gets yung huling sinabi ni Anjie. Papa-explain ko na lang siguro sakanya mamaya.

"Ano?" Mapanghamon na sabi ni Anjie. "Mananampal ka? Baka nakakalimutan mo na kapag nanampal kay pwede kang masuspinde."

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon