Chapter 15

75 9 0
                                    

Days had passed since I got home from my vacation in Antique with Rigel. Hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataong magkita mula ni Rigel mula ng makauwi kami dahil pumunta sila ng pamilya niya ng Laguna upang bisitahin ang farm nila kaya hanggang tawag at video call na lang kami. I actually missed him so much at gusto mo siyang makita kaso mas mahalaga pa rin sa akin na makasama niya ang pamilya because family first dapat.

Unang araw ngayon ng second semester namin at walang medyo tinuturo ang mga guro kaya mostly tambay lang kung saan saan ang mga estudyante and usual at sa canteen ang tambay namin ng kaibigan ko. Paniguradong sasagap na naman ito ng chismis o hindi kaya at may chismis na itong na sagap at handa ng ishare sa amin.

Kung tatanungin ko sila kung saan nila bakuha ang chismis nila at puro sources lang sinasabi nila. Sana inamin na lang nila na sadyang chismosa lang sila kaya marami palagi ang nasasagap na impormasyon lalong lalo na si Marie. Pati chismis sa kabilang bayan ay alam.

"Uy girls, alam niyo ba na may sabunutang naganap noonng isang araw sa loob ng bar. Away lalaki daw. Hindi naman kagwapuhan ang lalaki pero kung mag-away sila ay parang magpapatayan na para lang sa pangit na lalaki." Hinawakan pa ni Marie ang ulo niya parang siya ang naiistress sa away na yun eh wala naman siya doon nang mangyari ang away. Paniguradong may nagchismis lang neto sakanya. "Balita ko ay piang-sabay daw sila at nung malaman nila ay nagkasabunutan."

"Ay talaga? Ano namang ginawa ng lalake?"

"Ayun nakatingin lang raw at mukhang sayang saya pa na pinag-aawayan siya ng mga babae. Nakakaawa lang at nabulag ata niya ang mga babaeng yun para pag-awayan siya. Ganda pa naman nila. Sayang talaga." Pati ako ay nanghihinayang din sa dalawang yun. Hindi ko man sila kilala pero they deserve someone better rather than a two timer asshole.

Naisip ko tuloy si Rigel. Ano kaya ang magiging reaksyon kapag lolokohin niya?

Wag naman sana. I trust Rigel ata alam kong hindi niya ako magagawang lokohin. He is someone better than a two timer. Subukan niya lang talaga na lokohin ako at ipapatapon ko siya sa Pacific Ocean.

"Nakakainis talaga ang mga lalaking manloloko. Ang bagay sa kanila at putulan ng hotdog para magtanda!" Natawa naman ako sa sinabi ni Marie. Kala mo talaga at magagawa niya ang bagay na yun pero siguradong hanggang iyak lang naman siya.

"Pero mas nakakainis ang prof naming kanina. Pagalitan ba naman ako dahil late ako ng 2 minutes. Eh, siya nga na late ng 15 minutes ay hindi ko naman pinagalitan." Nakangusong reklamo ni Bakla na siya naming binatukan ni Marie.

"Aray! Ano ba ang problema mong biscuit ka at nambabatok ka?!"

"Gago ka ba? Subukan mo lang na pagalitan ang prof at siguradong detention ang diretso mo." Mukhang nakaramdam naman ng takot si Ella ng mapagtanto na tama si Marie kaya sa halip na sumagot pa ay uminom na lang siya sa soda niya.

"Pero maiba ako Marie. Kung napapansin mo ay may isang kaibigan tayo dito na nagkalove-life lang at hindi na namamansin. Parang mas gusto pa ata netong titigan lang larawan ni babi boo niya kaysa kausapin tayo." Pagpaparinig ni Ella na paniguradong ako ang gusto niyang patamaan. Tumango tango naman si Marie at nagthumbs up pa.

"Tama! tama! Nagkalove-life lang nagging snow bear na. Buti sana kung manglilibre ng pagkain." Sabi ko na nga ba at ako talaga ang tinutukoy neto. Tumigil ako sa pags-scroll sa mga pictures naming ni Rigel at uminom muna sa strawberry juice ko bago sila harapin.

"Problema niyo?"

"Kita mo na Marie! Ganyan ang nagagawa ng love life. Tingnan mo nagiging cold na siya sa atin." Umarte pa itong pinapahid ang imaginary luha niya at humilig kay Marie na ngayon ay nakahawak sa dibdib niya at umaaktong nasasaktan.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon