Rigel's cousin
Rigel's cousin
Rigel's cousin
Rigel's cousin
It keeps repeating on my head since she said that. Magpinsan sila? Bakit hindi ko ito alam?
"C-cousin? Magpinsan kayo?" Gulat kong tanong habang pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nagselos ako sa pinsan niya? Nakakahiya!
"Oo! Ano bang akala mo?" Hinimas niya ang bilog niyang tiyan.
"W-wala, hindi kasi halata." Akala ko kasi babae ka niya. Sana hindi niya malaman na nagseselos ako.
"Hay naku! Marami talaga ang nag-aakala na magjowa kami. Siya kasi yung palagi kong kasama dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ang fiancé ko. May inasikaso sila ni Dad at medyo matagal iyon." Bakas ang pagka-irita sa kanyang boses. Buntis nga naman, palaging naiirita. "Tsaka si kuya Rigel lang talaga ang pwede kong pagtiisan dahil siya lang ang pinsan kong narito ngayon sa Pilipinas. Yung iba kasi nasa Sydney o di kaya ay nasa Europe tapos si Kaylee naman ay hindi pa makakauwi." Kuwento niya at nagme-make face pa siya sa bawat sinasabi niya.
"Eh, ikaw?"
"Anong ako?" Tao ako tao.
"Ex ka ni kuya diba, nagkabalikan na kayo?"
Hindi lang ako nasamid sa sariling laway dahil sa tanong niya, pati si Rigel ay napaubo. Akala ko si Jeno na ang taong gusto kong patahimikin, meron pa pala.
Nagtataka namang tumingin si Sweetheart sa amin. Ang weird pa rin para sa akin na tawagin siyang Sweetheart, parang pang endearment kasi.
"Bakit kayo nauubo? Don't tell me hindi kayo nagkakabalikan?"
"Hindi pa." Sabat ko at nakatanggap ako ng matatalim na tingin mula sa lalaking umiinom na ng tubig.
Anong masama sa sagot ko? Eh, sa gusto kong magkabalikan kami kaya 'hindi pa' ang sagot ko.
"Ay, mahinang nilalang." Komento ni Jezeel, Jezeel na lang para hindi masyadong nakakaasiwa.
"Shut up you two. Gawin niyo na ang dapat gawin." Sigaw ng taong kahit sobrang mainisin ay mahal ko pa rin.
Bastos talaga, oh! Basta na lang kaming iniwan at pumasok sa kwarto niya. Mahinang nilalang talaga.
"Tsk, tsk, mahinang nilalang." Sambit ni Jezeel habang nakatingin sa pinto nang pinasukang kwarto ni Rigel.
Ganon ba niya kaayaw na magkabalikan kami? Kailangan talagang magwalk-out kapag pakikipagbalikan ang usapan?
Humanda ka, Rigel. I'm going to do anything just to win you back, kahit akyatin ko pa ang mga bundok upang mahanap lang ang halamang pwedeng ipanggagayuma sa'yo.
Pero hindi naman ako sobrang desperada na gagamit talaga ng gayuma. Umibig nga siya sa akin noon na mukhang fetus pa ako, ngayon pa kaya na gumanda ako.
"Ano nga pa lang help yung pinagsasabi niya?" Naalala ko kasi na kaya niya ako dinala dito dahil kailangan niya daw ang tulong ko.
Kailangan daw ang tulong ko pero nagwalk-out naman.
"Kasi Ate gusto kong kumain ng adobong kangkong na may tofu. Nagtext ako kay kuya na ipagluto niya ako kaso hindi siya marunong magluto, eh hindi ko naman gusto na bumili ng luto na. Gusto ko yung dito talaga sa condo ginawa."
Aba, tindi naman ng buntis na ito. Sana lang talaga ay hindi ako maging ganito ka choosy sa pagkain kapag ako naman ang mabuntis.
"At sa dinami-dami ng pwedeng hilahin upang magluto ay ako pa talaga ang maswerteng nahila." Hindi sa nagrereklamo, mas gusto ko nga ito kasi mas malapit kay Rigel pero ang problema naman ay baka kung anong lasa ang gusto ni buntis.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...