"Ma, Pa what are you doing here?" I was so shocked when I saw my parents inside my condo cooking some foods. Bihira lang sila pumunta rito kaya sigurado akong may importante silang sasabihin.
"Namiss ka na namin anak. Ang tagal mo nang hindi umuuwi sa bahay. Ayaw mo na ba kaming makita?" Si mama talaga, ang drama kahit kailan.
"Ma, busy lang ako. Dadalaw naman ako sa bahay kapag may free time ako."
"Hmmp! Nagtatampo pa rin ako sayo! Yung kuya mo minsan nga lang rin kung umuwi dahil sa mas gusto niyang sa condo niya lang siya tas ikaw hindi man lang dumadalaw! Ano na bang nangyayari sa mga anak ko!?" At umarte pa ito na parang umiiyak.
"Ma! Ang O.A ah."
"Hayaan mo na yang Mama mo at kulang lang yan sa lambing." Nilapitan naman ni Papa si Mama at niyakap ito.
"Tigilan mo nga ako Benedict! Kala mo madadala mo ko sa palambing lambing mo? Pwes jan ka tama!"
Natawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. Si Papa na naglalambing kay at si Mama na nagpapa-pabebe na akala mo naman teenager kung umakto.
I always admire their bond. Sila yung mag-asawa na ayaw matulog na may sama ng loob sa isa't-isa. Kapag nag-aaway sila ay pinag-uusapan nila agad ito at hindi na pinapalaki pa. Palaging nilalambing ni Papa si Mama, at si Mama na isang dakilang marupok at ay palaging bumibigay.
"Naku Benedict! Wag mo nga akong landiin sa harap ng anak natin." Sus! Si Mama nahihiya pa. Kala mo naman hindi sila naglalandian ni Papa sa harap ko noong nasa bahay pa ako.
"Ipagpatuloy niyo lang yan Pa. Pupunta na lang muna ako sa kwarto. Tawagin niyo na lang ako mamaya pag kakain na." Pagpaalam ko.
"Sige anak. Tatawagin lang kita pag luto na yung pagkain at lalambingin ko muna ang nanay mong kulang sa lambing."
Tumawa na lang ako at narinig ko pang pinagalitan ni Mama si Papa.
Naligo agad ako pagpasok ko ng kwarto at nagpalit ng komportableng damit. Humiga ako sa kama ko at binuksan ang phone ko. Pagbukas ko nito ay sumalubong sa akin ang tadtad na chat ng aking mga minamahal kong mga kaibigan.
Marie Hernandez: @Asha Bautista paano mo nakilala si Rigel?
Monica Castro: Inggit ka sa lovelife ng frenny natin?
Marie Hernandez: Of course not!
Gab Samonte: May boylet na kasi yan si Maria Shane. Ayaw pa aminin.
Marie Hernandez: Huwag mo akong tawaging Maria, GABRIEL!
Gab Hernandez: Tumahimik ka nga Marie. Marie, araw-gabi, walang panty!
Marie Hernandez: Inggit ka lang kasi may matres ako! Ble!
Gab Samonte: Che! Ang salbahe mo!
Heaven Thomas: Will you two please make tahimik? We should usap about Asha girl at kung how niya nameet si Rigel.
Jenaya Castillo: Oh my god Heaven! Tama na please yang ka-conyohan mo!
Heaven Thomas: Buhay ka pa pala Aya?
Jenaya Castillo: Gusto mong sapatusin kita?
Heaven Thomas: Ay wag naman ganyan sis. I love my pretty face you know. I don't want it na mabangasan.
Lara Cornes: Hoy ano yung chismis about kay Rigel at Asha girl na sinasabi niyo? Sila na ba.
Monica Castro: @Asha Bautista, mag-online ka na para masagot ko mga katanungan namin.
Napabuntong hininga na lang ako bago mag type ng reply.
Asha Bautista: Please stop spreading that fake news na kami ng pokemon na yun. He's definitely not my boyfriend and will never be.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...