Chapter 8

104 9 0
                                    

"Nini!"

Mula sa pagpulot ng mga kabibe sa tabing dagat at lumingon ang batang babae sa batang lalaking tumawag sa pangalan niya.

"Namumulot ka na naman ng mga kabibe" Natatawang sabi ng batang lalaki matapos makita ang hawak ng batang babae.

Nakahiligan na kasi ni Nini ang mamulot ng mga maliliit na kabibe ditto sa tabing dagat at ilalagay niya ito sa mga lalagyan ng bulaklak ng kanyang lola upang maging kaaya-aya tingnan.

"Bakit ka nag-iisa? Nasaan ang lola mo? Hindi ka dapat nag-iisa dito, eh. Gusto mo samahan kitang mamulot?" Napangiti naman si Nini sa sinabi ng batang kausap niya. Ayaw kasi itong nag-iisa si Nini dahil baka mapahamak ito.

Tumango lang si Nini sa anyaya ng batang lalaki na samahan siya mamulot. Hindi man niya sinasabi pero bakas naman sa mukha niya ang kasiyahan kapag kasama niya ang lalaki. Walang araw na hindi siya masaya kapag kasama niya ang lalaki. Nakakalungkot ng lang isipin na limitado lamang ang oras nila na makasama ang isa't-isa.

Palaging kasama ni Nini ang kanyang lola kapag namumulot ng mga kabibe ngunit ngayong araw at nag-iisa siya dahil may kailangang gawin ang lola niya.

"Alam mo ba, pumunta kami kanina sa kalapit na farm. Sobrang ganda ng mga bulaklak doon." Nakatingin lang siya sa lalaki habang nagkukwento ito tungkol sa pinasyalan nilang farm kanina. Napapangiti lang siya kapag ngumingiti ang lalaki. Nagiging masaya siya kapag kasama at kausap ang lalaki. Kaya kapag iniisip niya ang pag-alis nito at labis siyang nalulungkot at nalulumbay.

"Pangako ko sayo, kapag malaki na tayo at dadalhin kita sa taniman ng mga bulaklak na yun at doon kita papakasalan." Sabi nito at ginulo ang buhok niya.



"Ang ganda naman ng anak ko!" Sino pa ba yan, edi ang nanay ko.

"Syempre mana sayo, Ma." Kapag binobola ka at bolahin mo rin. Huwag kang papatalo.

"Nagbolahan pa, eh pareho lang naman kayong pangit." And here goes my always epal na kuya na ngayon at nasa harap ng salamin at inaayos ang buhok niya.

"May sinasabi ka Aleronyo?" Nakapamewang na hinarap ni Mama si kuya.

"Mama naman eh! Wag mo na akong tawaging Aleronyo! Nakakabawas pogi points yun." Reklamo ni Kuya dahil ang baduy daw pakinggan kapag tintawag siya ni Mama na ganun.

"Nagrereklamo ka ba Aleron Nathaniel?" Magtago ka na kuya. Full name na tawag ni Mama, oh.

"Wala po, Ma. Ang sabi ko pa ay ang pangit talaga ni Papa kahit kailan." Nandamay pa.

"Anong pangit? Baka nakakalimutan mo nak na sakin galing ang magandang lahi na dumadaloy ngayon sa mga kaugatan mo." Kung may namana man si kuya kay papa, yun ay ang kayabangan nito.

"Pa, makisabay ka na lang at baka mabugahan pa tayo ng dragon." Pft! Tinawag pa na dragon si Mama.

"Sino ang dragon, Aleronyo?" Sabi ni Mama at agad naming itinikom ni kuya ang bibig niya.

"Ang sabi ko po Ma ay mukhang dragon si Papa. Ampangit kasi." Babatukan na sana ni Papa si kiya dahil sa sinabi niya ngunit agad naming sumenyas si kuya na sumabay na lang si Papa sa sinabi niya.

"Pareho lang naman kayong pangit Papa mo." Aangal pa sana sina kuya ngunit pinanlakihan na sila ni Mama ng mata kaya napakamot na lang sila sa kanilang batok.

"Bilisan niyo na at baka malate na tayo." Sabi ni Papa at agad ko naming kinuha ang mga gamit ko.

Buong biyahe naming ay puro kayabangan lang nila kuya at Papa ang maririnig at si Mama naman ay panay lang saway sa kanila. Tumahimik na lang ako at baka pati ako ay mabugahan ng dragon. Mahirap na, pabago-bago pa naman ang modo ng nanay ko.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon