"Jusko Gabriel! Anong ginawa nila sayo?" Hawak ko ang kanyang mukha habang nanginginig ang aking boses sa pagsasalita.
Si Marie naman ay natulala nang makita niya ang itsura ni Ella na puno ng sugat at pasa.
Anong ginawa sakanya ng kanyang mga magulang?
"Im fine. Le-let's just go inside." Iniwas niya ang kanyang mukha at kinuha ang kamay kong nakahawak doon. Pilit niyang tinataklob sa kanyang mukha ang hoodie upang matakpan ang mga pasa
Si Marie naman ay lumapit sakanya upang i-check ang itsura ni Ella habang ako naman ay binubuksan ang pinto ng unit.
Pilit na inaalis ni Ella ang kamay ni Marie at sinasabi na ayos lang siya pero alam namin na hindi.
"Tulungan mo muna si Ella, Marie at kukuha lang ako ng first aid kit."
Bago pumasok sa kwarto ay nakita kong nakaupo na si Ella sa upuan at nakapikit ang kanyang mga mata. Si Marie naman ay kinunan muna siya ng tubig na maiinom.
Pagbalik ko ay nilapag ko ang first aid sa center table at inutusan si Ella na maghubad ng damit.
"Asha! Kung may balak kang gahasain ako, please, hindi tayo talo." Nagawa pa niyang magbiro ngunit agad naman siyang dumaing ng sumakit ang kanyang panga.
"Sumunod ka na lang kasi at guwag ng mag-inarte. Wala namang maganda sa katawan mo." Wala ng nagawa si Ella kundi sumunod na lang utos ko dahil piningot ni Marie ang kanyang tenga.
Napangiwi ako nang namula ang tenga ni Ella. Salbahe talaga ng babaeng ito. Kita ng may mga pasa ang tao, piningot pa niya.
"Ano ba talagang nangyari sa'yo?" Tanong ko habang ginagamot ang kanyang mga sugat.
Napakalayo ng kanyang itsura ngayon sa makinis niyang mukha.
Kung noon ay ni isang tigyawat ay wala kang makikita, ngayon naman ay halos hindi ko na makita ang makinis niyang mukha.
Putok ang labi at kaliwang kilay, may pasa sa kanang pisngi at may dugong lumalabas mula sa sugat na nasa ibabaw ng kanyang ilong.
"Nalaman na ng pamilya ko na bakla ako." Natigil ako sa paggamot at naiwan naman sa ere ang kamay ni Marie na dapat ay magbubukas ng t.v.
"At binugbog ka nila?"
Dahan-dahan siyang tumango at may tumulong luha sakanyang mata.
Napahilamos ako ng mukha dahil sa nangyari.
"Bobo ba yang mga magulang mo? Kahit ano ka pa, anak ka pa rin nila. Hindi dahil bakla ka ay sasaktan ka na nila. Dapat nga ay sila ang unang makaintindi sa sitwasyon mo. Akala ba nila madali lang din sa'yo maging bakla." Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses dahil sa galit.
Porket ba bakla ay wala ng puwang sa lipunan? Porket ba bakla ay salot na? Hindi na tanggap?
Anong klaseng pag-iisip iyan?
"Huwag kang magalit sakanila, please. Kasalanan ko din dahil ito ako." Pagmamakaawa niya at hinawakan ang aking kamay. Inalo naman siya ni Marie at pilit na pinapaupo ng maayos dahil ginagamot niya pa ito.
"Hindi, eh! Anak ka pa rin nila kahit baliktarin man ang mundo!"
Napasinghap ako at huminga ng malalim dahil sa bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Paano nila nakayang saktan ang kanilang anak?
"Hindi porket bakla ka ay may karapatan na silang saktan ka! Tao ka rin at may nararamdaman. Hindi ka isang bagay na pwedeng sipa-sipain at basagin!"
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...