Hindi na ako tinigilan ng dalawa sa pang-aasar tungkol kay Kade. Kahit na nung nahatid ko sila sa bahay nila ay nagtext pa rin sila ng mga tanong tungkol sa tao. Hindi ko naman masagot ang mga tanong nila dahil pangalan lang ang alam ko kay Kade.
Ngayon naman ay tahimik akong nakapangalumbaba sa desk ko habang nakikinig sa guro naming nagtuturo. Pilit kong pinipigilan ang antok dahil baka maspecial mention ako.
Nagtuturo lang siya tungkol sa history ng accounting at kung paano ito lumaganap. Hindi ko naman talaga kailangang makinig dahil alam ko na ito. Nadiscuss na kasi eto sa amin noong first year.
And finally, here comes the ringing bells. Dinismiss na kami ng prof namin at dali dali na man akong lumabas dahil may pag-uusapan pa kaming magkakaibigan. Tungkol ata ito kay Aya dahil nagchat siya kagabi sa GC na may problema siya. Tapos na rin naman kasi ang mga klase ko at ngayon ay nagmamadali ako sa pagpunta sa Candy's na tambayan naming magkakaibigan kapag free time namin.
Paglabas ko ng school ay didiretso na sana ako sakayan ng jeep nang may nakita akong high school student na nakaupo sa gilid ng daan at mukhang may sakit. Umiiyak ito at sa tansya ko ay nasa Grade 8 ito.
"Bata anong problema mo?" Nilapitan ko ito upang tingnan kung okay lang ba ito.
Tumingin ito sa akin at nakita kong maputla ito at nanginginig. Pero sa kabila ng kaputlaan nito ay hindi maipagkakaila na may maganda itong mukha.
"A-ate p-p-pwede niyo b-ba akong-g tu-tulungan?" tanong nito at nauutal pa.
Hinawakan ko ang noo niya at sh*t! Ang taas ng lagnat niya!
"Hala! Sumama ka sa akin. Dadalhin kita sa ospital!" Nagpa-panic na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Accountancy student po ako, hindi med!
Inakay ko siya at pumara ng taxi papuntang ospital.
Pagdating sa ospital ay agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at doctor. Kasalukuyan siyang natutulog dahil kinakailangan niyang magpahinga. Tinawagan ko na rin sina Marie na hindi ako makakasipot sa usapan namin.
Kanina pa tumutunog ang cellphone ng batang to at kanina ko pa tinatanong sa sarili ko kung bakit hindi ko tinanong ang bata kung ano pangalan. Heto tuloy bata na lang tawag ko sakanya.
Kinuha ko na lang ang cellphone niya upang sagutin ang tawag.
"He-"
"DAMN KAYLEE REESE! WHY AREN'T YOU ANSWERING YOUR PHONE! I'VE BEEN FUCKING CALLING YOU LIKE A HUNDRED TIMES ALREADY!" nailayo ko ang phone mula sa aking tenga dahil ang lakas lang ng sigaw mula sa kabilang linya.
"Aba! Aba! Sandali lang po, mahina po yung kalaban."
Kung makapagmura naman kasi wagas.
"WHO THE HELL ARE YOU AND WHY DO YOU HAVE MY SISTER'S PHONE!?"
Ay potang inglisero to. At ano raw? Who the hell are you? Aba dapat nga magpasalamat siya at tinulungan ko tong batang to.
"PARA PO MALAMAN NIYO, AKO LANG NAMAN PO ANG MAGANDANG LOOB NA TULUNGAN ANG KAPATID MO NA DALHIN ITO SA OSPITAL DAHIL NILALAGNAT LANG NAMAN SIYA!" Hindi ko na napigilan ang inis ko at tinaasan ko na ang boses ko sa pakikipag-usap sakanya.
"Fuck! Give me the address. I'm going there." He said at pinatay na niya ang tawag. Ni hindi man lang nagsabi na papatayin na niya ang tawag. Walang modo talaga.
Itinext ko na lang sakanya ang address ng ospital gamit ang cellphone nga kapatid niya.
Di nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang gwapong lalaki.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...