Chapter 41

18 6 0
                                    


Pagdating sa harap ng kanyang kotse ay pabalang niya akong pinapasok at pinagsarhan ng pinto bago umikot at umupo sa driver's seat.

"Hindi ka ba marunong magdahan-dahan? Akala mo ba hindi masakit ang ginawa mong pagpasok sa akin dito ng pabalang?" Galit kong tanong pagpasok niya ng kotse dahil ang sakit ng puwet ko dahil sa ginawa niya. "Tsaka yung kotse ko maiiwan!"

Basta na lang manghihila tapos marahas niya pa akong itatapon papasok sa kotse niya. Sadista niya, ah. Hindi porket mahal ko pa siya ay sunod-sunuran na lang ako sakanya. Mas lamang pa rin ang pagmamahal ko sa sarili ko kaysa sa pagmamahal ko sakanya.

"Hoy, sagutin mo ako. Yung kotse ko paano?" Nakakainis na siya, ah. Manatili ba namang tahimik at hindi sagutin ang mga tanong ko.

"Sagutin mo yung tanong k–"

"Would you please shut up!"

I was taken aback when he shouted at me with his face, red. He looks so mad like I did something unforgivable. Ano na namang kasalanan ko?

Feeling ko talaga hindi magandang ideya ang pagpayag ko sa plano ni Kenzo. Mabuti sana kung siya ang napahamak kaso ako, eh.

"Is he your boyfriend?" He asked while driving while my mind is too preoccupied with my car.

Sinong mag-uuwi ng kotse ko?

"Si Kenzo ba? Hindi 'no. Friends lang kami nun."

Kung pwede lang ay isigaw ko sakanya na siya ang gusto ko at wala nang iba pa kaso naduduwag na naman ako.

"I thought you like him."

"Hindi rin. Siguro noon akala ko gusto ko siya pero hindi na sa ngayon."

"So... he's not your boyfriend?" Bingi ba siya? Sinabi nang hindi eh.

"Hindi nga." May diin kong sagot.

"And you don't like him, am I right?"

I rolled my eyes. I just said a while ago that I don't like Kenzo and here he goes again, asking the same thing. May short term memory ba siya?

"Hindi nga, paulit-ulit ka." Inis kong anas dahil paulit-ulit siya nang tanong. Naninigurado ata.

"Then why the heck is he touching your hand!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Bakit siya nagagalit? Wala naman akong ginawa na masama.

"Bakit ka nagagalit? Boyfriend ba kita?"

Natahimik siya sa tanong at ako rin ay natahimik. Mali ata yung nasabi ko.

Bumuga siya ng hininga at pilit na pinakalma ang kanyang sarili. Bakit ba siya nagagalit, eh, siya nga yung nanghila.

"You know what...you should sleep."

And just like that, I followed what he said like a spell I can't fight. Namalayan koi na  lang sarili ko na unti-unting nilalamon ng kadiliman.

I woke up in an unfamiliar room and unfamiliar bed. Only the scent is familiar. Smells so good and manly.

The room is filled with expensive furnitures and chandelier. Based on the interior, lalaki ang nakatira dito.

Palinga-linga akong bumangon at dumiretso sa isang sliding door na nakita ko. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin pagkabukas ko nito. Madilim na at kitang-kita ang mga kumikinang na tala sa kalangitan.

Where in the Earth am I?

"Na-rape ba ako?" Wala sa sariling tanong ko at agad na kinapa ang aking katawan.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon