Kinaumagahan ay umalis din si Kaylee upang umuwi sa bahay nila. Gusto man niyang magtagal pa ng ilang araw ay hindi niya magagawa dahil isang gabing overnight lang ang ipinagpaalam niya sa Mommy niya.
Siyempre tuwang-tuwa din ako ng malamang di na siya pwedeng magtagal dito sa unit ko ng ilang araw. Paniguradong mauubos ang stocks ko ng mga pagkain dito. Tama na ang mga kaibigan kong grabe lumamon kapag andito sa condo ko. Sa kanila pa lang ay ubos na ang laman ng ref at cupboard ko. Paano pa pa kaya kung dumagdag si Kaylee sakanila? Edi mapapagasto na naman ako ng malaki para sa grocery.
Umaga pa lang ay tumawag na si Rigel upang siguraduhin na uuwi si Kaylee sa bahay nila. Nakahinga naman siya ng maluwag ng sabihin kong umuwi na ang pasaway niyang kapatid. Sinundo ito ng family driver nila kaya wala na itong nagawa kundi sumama na lang.
Pagkatapos umalis ni Kaylee ay agad akong naghanda para sa pagpasok. Kahit papano ay napawi naman ang antok ko at nagkaroon ako ng disenteng tulog.
Pagdating sa school ay agad kong nakita si Marie na naglalakad lakad kasama ang iba naming kaklase. Tumakbo ako upang makalapit sa kanila at nang maabutan sila ay pumwesto ako sa likod ni Marie. Busy kasi sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na andito ako.
"Ay may ipis!" Sigaw ko dahilan upang magulat sila lalong lalo na si Marie na ngayon ay nagpa-panic. May takot kasi ito sa ipis kaya ganyan na lang reaksyon niya.
"Asaan? Asaan?" Parang tanga siya kakahanap ng ipis.
Nang mapagtanto niyang walang ipis ay agad niya ako binatukan.
"Bwiset ka talaga, Asha!" Hinila niya ang ilang hibla ng buhok ko kaya natatawang nagrereklamo naman ako.
Kung makikita ng iba ay aakalain nila na nag-aaway kami pero ganito lang kami ng mga kaibigan ko. Normal lang na gawin namin ito sa isa't-isa kapag naiinis.
"Aray naman, Maria! Masyado ka namang brutal." Mas lalo pa itong nainis ng tawagin ko siyang Maria. Kulang na lang ay lumabas ang usok sa tenga at ilong niya at magmumukha na siyang turo na handang sumugod.
"Girl, kalma. Pumapangit ka." Asar ko na naman sakanya.
"Ewan ko sayo, Asha." Tinalukuran niya at naunang lumakad papunta sa klase namin. Humabol naman ako at isinukbit ang braso ko sa braso niya. Kahit inaaway ko to ay love ko pa rin siya.
"Ano nga pala gagawin natin ngayon?" Tanong ko sakanya habang naka-angkla pa rin ang aking mga braso sa braso niya at naglalakad papunta sa kung saan man siya pupunta.
"Pupunta sa room malamang. Alangan namang sa Endeleo." Sungit naman.
"Sabi ko nga sa pupunta tayo sa room. Nadamay pa ang nananahimik na Endeleo."
As usual ay medyo maingay ang room lalong-lalo na pag walang prof.
Kagaya ng mga nagdaang araw ay nakikinig lang ako at nagtatala ng notes. Ganyan na siguro ang routine ko tuwing nag-aaral.
Pagakatapos ng klase ay pumunta lang kami sa cafeteria upang kumain kasama ang ibang kaibigan at nagkuwentuhan.
Wala namang masyadong importanteng nangyari ngayong araw.
Pagdating naman ng hapon ay pinapunta kami ng library upang gumawa ng research para sa isang naturang topic. Iyon lang ang pinaggugulan ko ng oras hanggang sa matapos ang class hours namin.
The cycle goes on hanggang sa sumapit ang friday. Everyone was so excited dahil tapos na ang isang linggo ng pag-aaral. Maski ako ay excited din dahil nakakabanas din minsan mag-aral, ngunit mas excited ako dahil magkikita na naman kami ni Rigel.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...