Third Person's POV
Red groaned in annoyance as she walked towards the nearest supermarket from her condo. She needed to buy some groceries because she ran out of stocks. Paano ba naman hindi siya ma bu-buwesit eh kanina pa siya nag-aabang nang masasakyan niyang jeep eh wala pa ring dumadaan at kung may dumaan man ay puno na ito. Ayaw niya rin naman makipagsiksikan kasi pare-pareho lang naman din ang binabayad nilang lahat tapos dehado siya? The other face of her butt can only sit? No way! It was much better if she walked because it was not that far, but hell! It was so freaking hot. She feels like the heat of the sun is biting her skin.
Nang nakarating siya sa supermarket ay padabog siyang kumuha ng shopping cart at nagsimula nang mamili ng mga kakailanganin niya sa condo. She proceeded to the fruit section at naglagay ng paborito niyang grapes sa cart at dumampot din ng strawberries, oranges, mansanas tsaka manga. Naalala niya ang kapatid niyang babae, kung kasama niya lang ito sa condo ay malamang hindi aabutang ng isang linggo ang mga bibilhin niya.
Nang makita niya ang mga ubas sa isang box at puno ito ay may kapilyahan siyang naisip. Tumingin-tingin siya sa paligid kung may tao ba at nang nakita niyang malayo-layo naman sa kanya ay agad niyang sinubo ang dalawang piraso ng grapes. Napatawa siya sa ginawa niya dahil noong high school siya ay nahuli na siya dahil sa pagkain niya sa loob ng supermarket. Kung may cctv lamang sa loob ay malamang sinita na siya kanina pa.
"I been dancing in my room, swaying my feet," Pakanta-kanta pa siya habang pinu-push ang cart patungo sa frozen section.
Nang makarating siya roon ay para siyang masuka dahil sa dami ng frozen foods. Baka ma-high blood siya ng wala sa oras kung dadamihan niya ang kanyang bibilhin. Kailangan niya paring maging malusog kahit papaano dahil siya lang mag-isa sa condo ang nakatira sa condo niya.
"Hmm alin ba rito ang masarap?" she asked herself.
"Honestly, all of them are delicious," sagot ng lalaking kakarating lang.
Kumuha ito ng frozen foods at nilagay sa cart nito. Tumaas ang isang kilay ni Red dahil sa tinuran ng lalaki. Hindi siya sanay na may basta-basta nalang sasagot sa kanya. Para sa kanya ay hindi kaaya-aya ang pagsagot sa tanong kung hindi naman ikaw ang siyang tinatanong, it was what she calls "kahihiyan".
"I'm not asking you," sabi niya at inirapan ang lalaki.
The nerves of the guy to answer her. She encountered a lot of man like that na sumi-simpleng nagpapakita ng motibo sa paraang iyon. Napairap ulit siya sa kanyang isipan, bulok na naman na pagpapakita ng motibo. Could men do better? Napailing-iling siya dahil sa naisip niya.
"So, sino kausap mo riyan?" patay malisyang tanong ng lalaki na lalong nagpataas sa kilay niya.
"Sarili ko. Hindi naman ikaw ang tinanong ko, bakit ka sumagot?" saad ni Red.
Naku, 'wag lang talagang painitin ng lalaking ito ang ulo niya kasi kahit anong lamig ng supermarket eh kanina pa nagbabaga ang sungay niya. Bakit nga ba may mga taong kagaya ng lalaking sumagot sa kanya? Hindi ba nila alam ang salitang privacy man lang— kahit sabihin nalang natin na respeto. Hindi ba nila naisip na baka gusto lang talaga ng isang tao na kausapin ang sarili nila.