Red's POV
"Come on guys double time! The show's starting!" saad ko sa mga modelo ko habang nagkan kuba-kuba na sila sa pagbibihis.
"Ma'am, kulang isa ang mga models." saad sa akin ni Dana habang may hawak na damit na naka-hanger pa.
Bakit kulang? Luminga-linga ako sa mga modelo para hanapin si Emery. Nang nakita ko ay agad ko siyang tinawag para tanungin.
"Emery come here!" sabi ko.
Agad siyang lumapit sa akin. "Bakit po, Ma'am?" tanong nito.
"Kulang isa ang mga models." sabi ko at tinuro ang isang sobrang damit na hawak ni Dana.
"Nagkasakit po kasi si Ava kaya pinaki-usapan ko po si Miss Alex na siya na muna ang pumalit kasi may experience naman po siya sa ganito kasi siya rin naman po yung sumali last year." paliwanag nito.
"Where is she?" tanong ko.
"Hindi ko rin po alam, ma'am. Na busy po ako sa mga kasamahan ko." sagot niya.
Napatampal ako sa aking noo dahil sa sinagot niya. Kung kailan kailangan, tsaka mawawala.
"Ready your team, wala na tayong oras. Hahanapin lang muna namin si Alex baka nasa dressing room pa." sabi ko.
Tumango ito at sinunod ang utos ko habang si Dana ay sumunod sa akin sa paghahanap.
Halos wala kaming tulog kasi talagang tinapos namin ang lahat. Mabuti na lang at sanay sa puyat ang team ni Sloane. Malaking tulong din ang natulong sa team ng girlfriend ni Kuya Grey. Pinuri pa ako ng pinsan ni Perseus sa mga nagawa kong desinyo habang si Perseus ay hindi umuwi hangga't hindi ako kasama.
"Ma'am nandoon si Alex." imporma sa akin ni Dana sabay turo kay Alex na nasa may pintuan ng exit.
May kasama ito. Naningkit ako at pilit na inaaninag ang mukha ng kausap niya. Tatawagin na sana siya ni Dana ng pinigilan ko ito. Pamilyar sa akin ang bulto ng kausap niya.
"Shh, wag mong tawagin." sabi ko dito. Nakita ko pa ang pagtatanong sa mga mata niya pero agad din naman itong nawala.
Ewan ko pero malakas ang kutob ko sa kausap ni Alex. Hindi kaya ... si Alex ang tumraydor sa akin? Umiling-iling naman ako, hindi magagawa sa akin ni Alex iyon. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho sa akin at napatunayan niya na tapat siya sa akin.
Nahagip ko ang isa pang exit kaya hinila ko si Dana palabas doon para makapunta pa sa isang exit door kung nasaan si Alex at ang kausap niya. Nang nakarating kami roon ay nagtago kami sa mga kahon sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na sa malapitan kung sino ang kausap niya.