MIH-5

12.7K 303 6
                                    

Third Person's POV


Hindi mapakali si Red habang nakaupo. Paano ba naman kasi, ngayon niya ma me-meet ang mga magulang ni Perseus na nagmamadali pang umuwi galing sa Rotterdom. Gusto niyang kutusan si Perseus dahil hindi man lang siya nito binigyan ng sapat na oras para mapaghandaan ang pakikipag-meet niya sa mga magulang nito.


Sinipat niya naman ang relo niya at six-thirty pa lang tapos alas siyete ang napagkasunduan nila pero sinabihan niya si Perseus na dumating sila dapat ng mas maaga. She was wearing a dark blue dress at pinaresan niya ito ng kulay dark blue din na stiletto. Kung kahapon pa lang ay sinabi na ni Perseus sa kanya ay baka mapasalamatan pa niya ang lalaki kaso kanina lang din siya nito sinabihan na para bang wala lang para rito ang pakikipagkita niya sa mga magulang nito.


Kinuha niya ang cell phone niya sa purse at in-open ang camera nito tsaka niya tinignan ang mukha niya kung presentable ba. Ewan, hindi niya ma-point out kung ano ang nararamdaman niya na parang kinakabahan, na e-excite at natatakot. Naputol naman ang pagcheck niya sa mukha niya ng magsalita si Perseus.


"Calm down, love. You look beautiful" saad nito at kinindatan siya.


Pinamulahan naman siya pero hindi niya pinahalata. Tumikhim siya at sinamaan ng tingin si Perseus. Sa ilang araw niyang nakasama ang lalaki ay masasabi niyang napaka-straight forward nitong tao pero minsan ay napipigilan naman nito ang mga gustong lumabas sa bunganga nito.


"Tumigil ka nga. Kasalanan mo kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kung hindi ka sumulpot sa buhay ko—"


Perseus cut her instantly.


"Kung hindi ako sumulpot malamang napahiya ka na sa harapan nila Cassandra" banat ng lalaki sa kanya kaya naman napaawang ang mga labi niya.


May point naman si Perseus pero hindi naman niya inasahan na ganoon ang mangyari kasunod ng pagtulong nito sa kanya. Akala niya ay bukal talaga sa loob ng lalaki na tulungan siya na walang kapalit pero sino nga ba ang niloloko niya? Sa panahon ngayon ay limitado na lang ang mga tumutulong na walang kapalit.


"Tsaka you can back out naman if you don't want this wedding" pagpatuloy nito.


"As if may choice pa ako! Kahit gaano ko pa kagustong ma- back out kung abnormal ka ay wala pa ring silbi!" irita niyang bulyaw dito.


"Oh come on, love" saad ni Perseus at halatang inaasar talaga siya.


"Love,  my ass!" Red said and rolled her eyes at him.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon