Red's POV
Nang nakarating na kami sa Meeru Island ay bandang alas sais na. Nauna akong bumaba sa kanya sa yate at naghintay sa kanya sa maliit na port ng isla. Nakabuntot sa kanya ang tatlong sawa habang bitbit niya ang mga bagahe namin. Kulang na lang tumulong ang tatlo sa pagbitbit ng mga ito. Napa-irap naman ako sa hangin.
"Akin na nga" sabi ko at hinablot sa kanya ang bagahe ko "Lead the way, nagugutom na ako" utos ko sa kanya.
Ngumiti naman ang loko at inakbayan ako.
"Wag ka nang magselos" bulong niya sa akin habang naglalakad kami kaya siniko ko siya sa tiyan niya.
"Hindi ako nagseselos sira. Tsaka kunin mo nga 'yang braso mo" sabi ko at pilit na inaalis ang braso niya na naka-akbay sa akin habang ang isa kong kamay ay bitbit ang bagahe ko.
"Hahaha okay, paniniwalaan ko na lang" nang-aasar niyang saad. Hindi na lang ako sumagot at tumahik.
Nagtungo naman kami sa lobby at siya na ang kumausap sa receptionist. Bad trip na ako sa kanya at sinabayan pa ng gutom ko. Sumandal naman ako sa desk at pinagmasdan ang paligid ng may mahagip ako.
The three musketeers.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Camille kaya tinaasan ko rin siya. May naisip naman akong paraan para mainis siya, tignan natin. Lumapit sila sa amin at tumabi kay Perseus sa kabilang side. Nilagay ko muna ang bagahe ko sa sahig tsaka ako humarap kay Perseus na kasalukuyang nakatagilid sa akin. Sinulyapan ko si Camille at panay lang ang pagpapa-cute nito kay Perseus habang si Perseus ay busy sa pakikipag-usap sa receptionist.
"Matagal pa ba 'yan love? Pagod na ako at gutom" malambing kong sabi kay Perseus sabay yakap sa kanya mula sa tagiliran niya.
Naramdaman ko namang nahinto ito at agad na bumaling sa akin. Nginitian ko naman siya kaya kumunot ang noo nito. Akala siguro nito nasaniban ako dahil naging malambing ako bigla.
"Malapit na 'to" saad niya at pumirma na sa log book tsaka hinawakan ang kamay ko. "Let's go" sabi niya.
Naglakad naman kami papalayo kina Camille pero lumingon muna ako sa kanila bago sila binelatan.
"He's mine bitch!" I mouthed to her and make face bago tinuon ang pansin sa dinadaanan. Nakita ko naman kung paano lumukot ang mukha ni Camille hahaha.
"Stop that" sabi ni Perseus habang patumungo kami sa room na uukupahan namin.
"Stop what?" inosente kong tanong.
Hindi naman siya sumagot at naglakad na kami sa tulay na gawa sa matitigas na kahoy patungo sa mga rooms na nasa medyo hindi kalaliman na part ng dagat, doon kasi nakatayo. Sa bawat gilid ng tulay ay may mga christmas lights doon na kulay puti na nagsilbing ilaw kaya napaka romantic talaga. Ang ganda 'di ba?