Red's POV
"Ma'am nasa hall na po ang mga models natin at mga designers." imporma sa akin ni Dana habang nag che-check ako ng mga gagamitin sa fashion show.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at tinanguan siya bago ko kinuha ang bag ko at tumungo kami sa hall.
Kagabi, tawag ng tawag sa akin si Perseus pero hindi ko sinasagot. Bwesit siya, may gana pa siyang magsinungaling sa akin. Tinignan ko pa ulit ang mga pictures sa Instagram ni Camille at may bago pang mga pinost ang haliparot. May isang picture pa na nakahawak siya sa braso ni Perseus at ang malandi nagpahawak naman.
Kahit na sabihin pa niya na hindi niya papatulan si Camille ay hindi pa rin ako mapapalagay at kahit sabihin din ni Camille na wala siyang balak na agawin si Perseus ay lalong hindi ako mapapalagay. Malakas ang radar ko sa mga mang-aagaw!
"Kanina pa po nag ri-ring ang cellphone niyo." sabi ni Dana habang nasa elevator kami.
Kinuha ko ang cell phone ko sa bag at pinatay ang tawag tsaka nilagay ko sa silent mode. Tumawag ulit ito kaya pinatay ko at nilagay sa bag ang cellphone. Bukas pa ang uwi niya at wala akong balak na salubungin siya, bahala siya sa buhay niya. Total naman kasama niya si Camille ede sila nalang dalawa ang magsama. I'm sure na walang problema kay Camille kahit pa ihatid siya sa bahay namin.
Pagdating namin si hall ay nandoon na nga silang lahat. Twenty women and men were the models and twenty fashion designers. Nandoon din ang iilang mga workers sa pag process ng damit na pinapangunahan ni Mrs. Corpuz. I knew we could pave the way in that event.
They greeted me so I smiled at them.
"Good day everyone, I assumed na alam niyo na ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag lahat." panimula ko.
Nagsitanguan naman ang iba at ang iba naman ay sumagot ng 'oo'.
"The fashion show will be in the last week of this month. Designers, kindly do some changes in the designs most especially sa mga pantulog. Alex will lead the team for the designers." saad ko at nagsitanguan naman ang grupo ng mga designers ko. "Mrs. Corpuz, kaya po ba na matapos iyon within two weeks?" tanong ko kay Mrs. Corpuz.
"Hindi ko po maipapangako ma'am pero gagawin namin ang lahat ng makakaya namin at kung kailan mag overtime ay gagawin namin." sagot niya.
"Good to hear that." tugon ko sa kanya at bumaling sa mga models ko. "Please show an excellent performance during the event." saad ko sa kanila. "I know we can do it all. Sana manalo tayo ulit. Meeting adjourned" sabi ko at isa -sa na silang nagsilabasan.
Bumalik ako sa opisina kasama si Dana ngunit nagpaiwan lang ito sa labas kasi nandoon naman ang pwesto niya. Ilang sandali ay pumasok ito sa opisina ko.
"Tumawag po si Sir Perseus sa telepono." imporma sa akin ni Dana pero hindi ko iyon pinansin.
"I'm busy." saad ko.
"Pero kanina pa po siya tumatawag, ma'am." sabi niya ulit.