Third Person's POV
Mahimbing na natutulog si Red habang nakasandal sa balikat ni Perseus. Perseus didn't do any unnecessary movements because it might wake her up. Naaaliw siya habang nakatingin lang kay Red. Her mouth was slightly opened and he can hear her snoring. Siguro napagod ito kanina.
Kapag nalaman ni Red na nakasandal siya sa balikat ni Perseus malamang magwawala agad ito. Napatawa naman si Perseus ng maalala niya kung paano siya nito pandirihan. She was always annoyed. Kahit na sa maliliit na bagay ay nagrereklamo ito basta nasa paligid lang siya. Parang bata ito kanina nang nakarating na sila sa suite para kunin ang mga bagahe nila, paano ba naman kasi nag ta-tantrums ito.
(Flashback)
Nang nakapasok na sila sa loob ng suite ay panay ang pagsasalita ni Red. Napa-iling na lang si Perseus at umupo sa sofa. Niluwagan niya ang necktie niya at binuksan ang tatlong butones ng long sleeve niya na nasa ilalim ng coat. He took off his shoes and socks.
"Punta tayo sa reception! I want to taste the cake!" bulyaw ni Red sa kanya habang naka-pamewang ito sa harapan niya
"Male-late nga tayo kapag pumunta pa tayo. Pumayag ka naman kanina na 'wag na lang tayo pumunta ah." paliwanag ni Perseus dito pero binalewala ni Red ito. Pumadyak ito pa ito na ikinatawa ni Perseus.
"I want to go to the reception nga eh! Gusto ko matikman iyong cake!" sigaw nito.
"Whatever, love" sambit ni Perseus at hindi nalang pinansin ang pagdadrama ni Red.
He was sure na humahanap lang ito ng paraan para hindi sila maka-alis ng bansa.
Tumayo naman siya at hinubad ang coat niya tsaka sinunod ang long sleeve. Wala na siyang damit pang-itaas. Napatigil naman si Red sa pagsasalita nang bumaling ulit siya kay Perseus at nakita itong walang damit pang itaas. Napaawang ng konti ang mga labi niya dahil sa nasaksihan.
He was freaking hot! May tattoo ito sa kanang bahagi ng dibdib nito. Naka tribal ito at hindi niya alam kung ano ang nakasulat. Hindi naman ganoon kalakihan ang tattoo. Medyo hairy ang dibdib nito at dumausdus ang kanyang mga tingin patungo sa puson ng lalaki at gaya ng dibdib nito ay medyo mabalbon din. She was curious kung ano ang itsura ng nasa gitna ng mga hita nito. Napailing-iling naman siya.
"Like what you see love?" tanong ni Perseus sa kanya habang may mapaglarong ngiti ito sa kanyang mga labi.
Agad naman siyang pinamulahan. He just caught her fantasizing about his freaking body! She averted her gaze and cleared her throat.
"I saw better body built than yours" saad niya pero ang totoo niyan ay sa telebisyon niya lang ito nakikita at sa magazine.
Hindi naman ganoon ang pangangatawan ni Darren dahil ilang beses niya na rin nakita ang katawan ng lalaki kapag nagbe-beach sila.