MIH-17

9.6K 210 0
                                    

Red's POV


"WHAT THE HELL!" sigaw ko nang bigla akong hatakin ni Perseus sa paa.


Nandito kami ngayon sa kwarto, it was sunday at naka-ugalian na namin na mag-movie marathon kapag rest day. For the past three months, ganito ang routine namin. Monday to Saturday ay pumapasok kami sa trabaho, siya na ang naghahatid at nagsusundo sa akin at sa linggo naman ay rito lang kami sa bahay at kung minsan ay lumalabas kami.


"HAHAHAHA!" malakas niyang tawa.


"AHHHH!" sigaw ko nang sinimulan niya na akong hatakin ulit. Para akong sako na hila-hila niya. "PERSEUS!" I shouted at him.


Hindi siya nagpatinag at hinatak ang dalawang paa ko, pinaikot-ikot pa ako sa sahig. Nang nakabawi ako ay sinipa ko ang kamay niya at nabitawan niya ako kaya agad akong tumayo at tumalon sa likod niya. Pinalibot ko ang isang kamay ko sa leeg niya at pinalibot sa bewang niya ang mga hita ko tsaka siya sinimulan ko siyang sabunutuan. Adik talaga itong lalaking ito!


"Aw — ouch — s-stop love — aray." daing niya dahil sa pagkasabunot ko.


"Iyan bagay sa'yo, bwesit ka." nanggigigil kong sabi sa kanya at sinabunutan siya ulit.


Napasigaw ako nang binagsak niya ako sa kama pero hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya mula sa likod not until he started tickling me kaya napabitaw ako. Sinimulan niya ulit hilahin ang paa ko. Ang sakit na ng likod ko, piste. Patay ka talaga sa'king hinayupak ka.


"PERSEUS!!!!" sigaw ko sa kanya pero mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Aliw na aliw sa paghila sa akin.


Nang nakatakas ako sa kanya ay tumakbo ako patungo sa gitna ng kama at nagtago sa kumot. Hinila niya ang kumot kaya hinigpitan ko ang hawak dito pero mas malakas siya sa akin kaya nagtagumpay siyang makuha ang kumot. The next thing I did ay nagtago sa unan na malalaki. Hingal na hingal na ako dahil sa pinaggagawa ng hinayupak na ito. Minsan ay inaatake talaga siya ng ka-abnormalan niya. Hinawakan niya ulit ang paa ko kaya nagpumiglas ako.


"NOOOO!" protesta ko at ginalaw-galaw ang paa ko nang maliksi. "Ang sakit na ng likod ko, bwesit ka!" sigaw ko sa kanya kaya tumigil ito.


Hindi ako gumalaw at nakayakap lang sa unan. Nasaan siya? Unti-unti naman akong sumilip para makita kung nasaan siya kasi baka mamaya ay aatake na naman siya. Nakangisi niyang mukha ang tumambad sa akin kaya sumubsob ako sa unan ulit


"Hahaha." tawa niya. Umingos ako, feeling ko talaga hindi ako nito asawa. Naalala ko noong nakaraang buwan, halos ihulog niya ako sa diving cliff kahit na takot ako tumalon.


Sa mga nakaraang buwan ay maayos ang pagsasama namin maliban lang kung pinagseselosa niya ang mga lalaking lumalapit sa akin kapag nag-beach kami o gumagala.


"Come out, love. Let me see that annoyed face of yours." sabi niya sakin.


My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon