MIH-27

9.4K 223 1
                                    

Red's POV


"Pahingi na ako ng number mo." pangungulit ni Raikes kay Dana pero hindi siya pinansin ni Dana bagkus ay umalis ito at pumasok sa loob ng bahay.


Napailing ako at nagsimulang mag-sketch gamit ang ipod. Kinukuha kong ideya ay tungkol sa nakikita ko sa paligid. Maraming puno, may ilog na hindi ganoon kalayuan sa bahay na tinitirhan namin at may falls din pero medyo malayo ito.


Nandito kami ngayon sa Palawan, sinama ako ni Perseus hindi dahil may business trip siya rito kung hindi dahil gusto niyang bumawi sa akin. Hindi sana ako papayag kasi marami pa akong gagawing preperasyon para sa event na darating kaso lang ay pinilit niya ako at pwede naman daw akong mag-trabaho rito. Sinama ko na si Dana para matulungan ako.


Hindi na inungkat ni Perseus ang nangyari sa coffee shop.


"Pare, ayaw sa'yo ng chic kaya wag mo nang pilitin." asar ni Jasper kay Raikes pero tumawa lang si Raikes.


"I'll get her by hook or by crook." sambit ni Raikes at pinagpatuloy ang pag-iihaw ng barbecue.


Patuloy siyang inaasar ni Jasper pero hindi ito nagpatinag at laging may sagot sa mga binabato sa kanya ni Jasper. Mukhang may gusto nga itong si Raikes kay Dana pero mukhang wala rin. Sa pagkakakilala ko Raikes ay ayaw niyang sumusuyo sa mga babae kaya baka ay naaaliw lang siya kay Dana kasi nakakatawa naman talaga ang reaction nito.


Naramdaman ko ang mga braso ni Perseus na pumulupot sa aking bewang tsaka niya ako hinalikan sa pisngi mula sa likod. He rested his chin on my shoulder.


"What are you doing?" tanong niya sa akin.


"Nag e-sketch?" patanong na sagot ko rin sa kanya. Kita naman kasi niya ang ginagawa ko eh tapos nagtanong pa siya.


"I thought naka-set na ang lahat and you just need to show your designs the next day and then the processing of the clothes?" tanong niya sa akin kaya tumigil ako sa ginagawa ko at bumaling sa kanya kahit na hindi ko naman nakikita ang mukha niya.


"Hindi ba pwede na inaaliw ko ang sarili ko? Tsaka I need to wait sa update ng mga designers ko." sabi ko sa kanya at bumalik sa ginagawa.


"Sketch me a boxer." sabi niya at sumubsob sa leeg ko at inaamoy iyon.


"Okay" sabi ko at nag-open ng bagong tab at ginawa ang gusto niya.


Tahimik lang siya na nakatingin sa ginagawa ko at paminsan-minsan ay hinahalikan ako sa pisngi. Nang tapos na ay nilagyan ko ng mukha ni hello kitty ang gitna ng boxer. Sakto rin na binaling niya ang tingin niya kay Jasper dahil tinawag siya nito.


"Done" sabi ko at tinignan niya.


"What the fuck is that?" he cussed while looking at my creation.


"Boxer mo hahaha." sabi ko at tumawa.


"Silly. I don't like that" saad niya na naging dahilan nang pag-arko ng isang kilay ko.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon