Red's POV
Sabi nila ang kasal daw ang isa sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae. Totoo iyon kung ang pakakasalan mo lang naman ay ang taong minamahal mo.
Here I am, walking down the aisle with my parents on both sides.
Abot tainga ang ngiti nila mommy at daddy sa mga nadadaanan naming nga bisita mabuti na lang at medyo may kakapalan ang viel na nakatakip sa mukha ko. My hands were shaking because of nervousness. If I could just run away now. Ayaw ko rin naman maging run away bride. My heart skipped a beat ng malapit na kami sa kanya.
Maraming mga camera ang nakatutok sa akin ngayon. There were some guests who never stopped complimenting how good my looks were. Nang nakalapit na kami sa kanya, he kissed my mother on the cheek and reached his hand out to my father to shake their hands. Seryosong-seryoso na talaga siya sa pagpapakasal sa akin .
"Take care of my daughter" my dad said as he gently tapped Perseus' shoulder.
Perseus smiled widely.
"I will" he answered.
I hugged my mom tightly and started sobbing. Kung alam lang nila ang nangyayari, kung bakit ako nalagay sa sitwasyon na ito, kung bakit ako matatali sa taong hindi ko naman mahal ay baka sila pa mismo ang magpapahinto sa kasalang ito. She rubbed my back and consoled me.
"It's okay baby, we're always here" saad ni Mommy. Napatango-tango naman ako. I turned to Dad and hugged him also.
"Be a good wife ah huwag kang magpapasaway" he joked.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. I will surely give Perseus a lot of problems, pinili niya ito kaya bahala siya. He gave my hands to Perseus at ang walanghiya agad itong tinanggap at hinagod pa. He intertwined our fingers as we walked towards the altar. Tinulungan niya naman akong maupo dahil hindi ko kaya mag-isa. After that, he kissed my forehead kahit na may nakatakip pang viel. Feeling maginoo, hmp!
The priest started talking.
Sumulyap naman ako sa upuan nina Tita Via and they were smiling. May nakita akong binata na ka halos ka edad lang ni Peach, nakasabit sa leeg nito ang headphone. Kamukha niya si Perseus so I assumed that it was his younger brother.
"Do you take, Perseus Howell Montanari, to be your lawfully wedded husband?" tanong sa akin ni father.
No
"Yes, I do" sagot ko at naramdaman ko naman na nakahinga nang maluwag ang katabi ko.
Father asked Perseus the same question and the bastard cut father off instantly and said 'I do'. Natawa pa ang mga tao dahil sa ginawa niya pati na rin ang pari.
"You may now kiss your bride" saad ni father.
Inalalayan naman ako ni Perseus na tumayo at pinaharap sa kanya. Napakalapad ng ngiti nito habang nakatingin sa akin at may mga iilang bisita na rin na naghihiyawan.