Red's POV
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, paano ba naman kasi itong lalaki sa tabi ko kanina pa nilalaro ang mga daliri ko habang naghihintay kami sa in-order namin. Shit, kagagaling ko lang nag lunch eh at ngayon kakain na naman dahil nag-order sila ng desserts.
Bumaling ako kay Perseus na mukhang wala pakealam sa paligid. Akmang babawiin ko ang kamay ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak kaya hinayaan ko nalang at baka mapiga pa ang kamay ko. Sa totoo lang ay para kaming may relasyon talaga dahil sa ginagawa niya ngayon na para bang matagal na kaming magkakilala.
Parang kinukuryente ang katawan ko na nanggaling sa kanyang kamay na naglalaro sa mga daliri ko.
"So, kailan naging kayo?" tanong ni Cassandra kay Perseus.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kanya kasi pwede naman na ako nalang ang tanungin niya kaya bakit si Perseus pa. Bumaling ako kay Perseus at pasimple siyang kinurot sa ilalim ng lamesa para iparating sa kanya na ayusin niya ang pagsagot kay Cassandra.
"We've been together for a couple of months now," sagot ni Perseus pero busy pa rin sa paglalaro ng mga daliri ko. Ina-align pa niya ito sa daliri niya kaya naman natawa ako.
"Oh really? Ang dali naman pa lang naka-move on nitong si Red eh. Last January kaka break lang nila nitong si Darren which is boyfriend ko na ngayon," sambit ni Cassandra.
Proud pa siya, ha? Proud pa siya na inahas niya ako.
Nagtaas ng tingin si Perseus sa kanya pero bumalik ulit ang atensyon sa paglalaro sa mga daliri ko na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ni Cassandra. Bakit nga ba siya maaapektuhan eh hindi ko nga siya kilala.
"I see," maikling sagot nito, "Anyway, our wedding is near. You two are invited. I will just the invitation," mayabang na saad ni Perseus habang ako naman ay nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi niya.
What the hell!? Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng dalawa, lalo na si Darren na kita ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Ano ba itong kahibangan ang sinasabi ni Perseus!? Kung wala lang itong dalawa sa harapan namin ngayon ay malamang kanina ko pa siya binugbog.
"K-kailan naman?" tanong ni Darren, medyo nabasag pa ang boses nito kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Next week," maikling sagot ni Perseus.
I swear to God, sisipain ko talaga mamaya itong lalaking ito. Knowing Cassandra, I know that she will disseminate the information. Insant husband lang ang peg!?
Ano pa ang maipapakita kong mukha sa dalawang ito pag nalaman nilang hindi ko talaga boyfriend itong si Perseus at wala namang kasalang magaganap!? OMG! Mas pinalala ko lang ata ang sitwasyon. Mas ayos na siguro na magmukha akong kawawa kanina kaysa sa mga nangyayari ngayon. Binalingan ko siya ng tingin pero sa mga daliri ko pa rin ang atensyon niya na para bang walang pakealam.
"Sure, pupunta kami. Malapit na rin kaming ikasal ni Darren at sana makapunta rin kayo," wika ni Cassandra. Hindi na ako nagulat pa, akala ko nga ay nagpakasal na sila agad.