MIH-29

9.1K 230 2
                                    

Red's POV


"What's the meaning of this Peach!" inis na saad ko sa kapatid ko.


Pagdating pa lang namin ni Perseus dito sa bahay ay naabutan namin si Trevor sa kusina, may hinahandang lugaw. Akala ko may sakit si Peach kasi nasabi niya na rito natulog ang kapatid ko, iyon pala lasing.


"Ate." saad niya at umupo sa kama.


"Amoy alak ka." I said flatly.


Humawak siya sa kanyang ulo. "Nag-inuman kami kagabi ni Trevor." sabi niya at biglang nabato.


"What? Bakit parang nabato ka riyan?" nakapamewang kong tanong sa kanya.


"W-wala." she stuttered. Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinagot niya.


Naningkit mga ang mata kong tinitigan siya.


"Kumain ka muna bago umuwi. Ikaw na bata ka, hindi ka man lang nagpaalam kay Mommy na rito ka matutulog tsaka nag lasing ka pa talaga. Lagot ka kay Kuya Grey." pananakot ko sa kanya.


Ngumuso ito.


"Hey, glad you're awake." sabi ng bagong kararating na si Trevor habang may hawak na tray na laman ng niluluto niya. Agad na namula ang mukha ni Peach.


I smell something fishy.


"Ikaw na muna ang bahala sa kanya Trevor. Papasok pa ako sa trabaho." sabi ko.


"Yes, Ate." sabi ni Trevor at lumapit kay Peach na hindi man lang kayang tapunan ng tingin si Trevor.


"Sober now?" rinig kong tanong ni Trevor tsaka ako tuluyang lumabas ng pintuan.


Nang nakarating ako sa kwarto ay naabutan ko si Perseus na nakahiga sa kama. Hinubad ko ang pang-itaas ko at tanging kulay krema na bra lang ang iniwan ko. Tumaas ang isang kilay niya dahil sa ginawa ko.


"Are you seducing me?" tanong nito kaya napaikot ang mata ko.


"Hindi ba pwedeng magbibihis lang ako?" tanong at pumasok sa closet para magbihis ng damit.


Paglabas ko ay nakaupo na ito sa kama at inaabangan ako.


"Where are you going?" tanong nito habang inaayos ko ang pagka-tuck in ng long sleeves ko sa pencil skirt.


"Work. Ngayon isa-submit ang mga designs." sabi ko.


"Can you let Dana do that work? Let's cuddle." saad niya at lumapit sa akin tsaka ako niyakap mula sa likod.


He started kissing my neck kaya napabuntong hininga ako.


"Love, kailangan ko nang umalis. I'll be back early. 'kay?" sabi ko sa kanya at humarap. Pinatakan ko siya ng halik sa labi. "Hindi kagaya ng kompanya mo ang kompanya ko. I need to strive hard para hindi mabagsak ang kompanya ko. Bye now." sabi ko at hinalikan siya ulit.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon