Red's POV
"Why are you here?" una kong natanong sa kanya.
I thought bukas pa ang balik niya? Why was he here at bakit alam niya na nakipagkita ako kay Darren? Hindi ako nito sinagot pero nanatili ang masama nitong tingin kaya't bumaling ako kay Darren at dumudugo na ang gilid ng labi nito.
"Let's go home!" he commanded me pero hindi ko siya pinansin at kinuha ang panyo ko sa bag at nilapat iyon sa dumudugong parte ng labi ni Darren.
"I said let's go home!" ulit niya.
Dahil sa inis ko ay tumayo ako at hinarap siya bago siya sinampal. Hindi ko nakitaan na nasaktan siya sa sampal ko at nanatiling nakatitig sa akin.
"Are you out of your mind!? Bakit mo siya sinuntok!?" galit kong tanong sa kanya.
"Why did you see each other?! Naghihigante ka ba kasi nagsinungaling ako sa'yo? Damn it, Red! Ang babaw naman!" galit niyang saad sa akin.
Sasagot na sana ako ng may lumapit sa amin na lalaki. I think he was the manager.
"Excuse me Mr. and Mrs. Montanari, nakakakuha na po kayo ng atensyon sa ibang mga customers namin." magalang na saad nito sa amin.
Doon lang ako natauhan. Tumingin ako sa paligid at tama nga siya. Nakatingin nga sa amin ang mga costumers nila at may nagbubulungan pa. Agad akong nakaramdam ng hiya at tumungo.
"I don't fucking care!" galit na sagot ni Perseus at hinigit ako sa braso. Kinaladkad niya ako palabas ng coffee shop.
Hindi na ako nanlaban pa kasi nahihiya ako sa mga tao sa loob. Sinipat ko si Darren at nakaupo na ulit ito sa upuan habang hawak-hawak ang panga. Sa lakas ba naman ng suntok na binigay ni Perseus sa kanya siguradong mamamaga iyon.
"Let go of me!" sabi ko sa kanya nang nakalabas na kami sa coffee shop pero hindi siya nakinig at patuloy akong kinaladkad patungo sa nakaparada niyang BMW.
Hindi pa ito naka-park ng tama at sigurado akong wala siyang pakealam. Pagdating namin doon ay binuksan niya ang passenger's seat habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa kaliwang braso ko.
"Get in." malamig niyang utos.
"Ayoko!" protesta ko sa kanya.
"You'll hop in or I'll fuck you here!" banta niya at mukhang hindi nga siya nagbibiro kaya agad akong sumakay sa sasakyan niya. Malakas ang pagkasara niya ng pinto pero hindi ako natinag.
Kung galit siya sa akin, mas marami ang rason ko kung bakit ako galit sa kanya! Una, nagsinungaling siya. Pangalawa, sinuntok niya si Darren ng walang dahilan! Napakababaw niya! Hindi niya man lang tinanong muna ako at hindi niya inalintana ang mga taong nagsitinginan sa amin sa coffee shop.