Red's POV
Nang nakarating ako sa opisina ay sinalubong ako ng mga ilang empleyado ko. They congratulated me because I was married to an insane person. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ko. When I got there, sinalubong ako ni Dana. She was smiling widely as I walked towards her.
"Congratulations, Ma'am!" sabi niya.
"Thank you. Naka piled up na ba ang mga i de-design ko for this day?" tanong ko sa kanya at naglakad papasok sa opisina, sumunod siya sa akin.
"Yes, Ma'am! Medyo marami nga po" saad niya. Well, I'm not surprised kasi ilang araw rin akong nawala. Iyong hindi ko pa nga nakilala si Perseus ay marami ng nakatambay na pipirmahang mga dokumento.
"Pakibigay sa ibang designers natin ang pinapagawa ni Mrs. Villafuerte." utos ko sa kanya nang nakita kong nasa lamesa ko iyon.
"Okay po, Ma'am" tugon niya at kinuha ang bondpaper na may nakasulat kung ano ang gagawin sa gowns.
Lalabas na sana siya ng may naalala ako. I have a lot of designers pero isa lang ang pinagkakatiwalaan ko talaga lalo na't medyo mahirap ang mga gagawing design. I was rest assure that the designs will be smooth kapag siya ang gumawa.
"Uhh, Dana" tawag ko sa kanya.
"Yes po?" tanong niya.
"Let Alex do the designs" sabi ko sa kanya. She nodded and excused herself.
In-open ko ang monitor at nagsimulang magtrabaho. Nasa kalagitnaan na ako ng pag de-design nang pumasok sa isip ko si Perseus. Kumain na kaya iyon? Hindi rin pala ako nagpaalam. Nasa opisina na kaya siya? Napailing-iling naman ako at tumutok ulit sa monitor.
"Thinking of me?"
Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Perseus na naka pamulsa habang nakatitig sa akin. He was wearing a three piece suit, papuntang trabaho na ata pero bakit ito nandito? Umayos ako ng upo at sinipat ang sarili ko sa monitor tsaka bumaling sa kanya.
"What are you doing here?" tanong ko.
Blanko lang ang mukha nito at walang ka emo-emosyon. Okay? Anong problema niya? Hindi naman ito gumalaw sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw na gagawin ko.
"You're asking me that after you left the house without informing me?" he said and clenched his jaw.
Galit na siya dahil lang doon? Ang babaw naman. Alam naman niya na maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Pina-ikot ko naman ang mata ko at bumalik sa ginagawa ko. Ayaw ko siyang patulan, madami pa akong trabahong gagawin.
"As if naman na kailangan kong sabihin sa'yo ang lahat ng kilos ko. Umalis ka na nga, pumasok ka na sa trabaho mo" pagtataboy ko sa kanya.