MIH-28

9.3K 203 8
                                    

Peach's POV


It was sunday at hindi ko alam kung ano gagawin ko sa bahay. Halos nakita ko na lahat ng mga posts sa Facebook, Instagram at Twitter. Tapos na rin ako sa pag decorate ng kwarto ko at hindi ko na alam kung ano susunod kong gagawin. Hindi naman ako ma-gala na babae kaya ayaw kong lumalabas ng bahay maliban na lang kung kasama ko sila Mom or kung hindi kaya sila Ate.


Bumaba ako ng hagdan para puntahan si mommy. Sigurado ako na nasa garden iyon at inaasikaso ang mga pananim niya habang si Daddy naman ay nanonood lang ng tv at si Kuya ay wala rito sa bahay, nasa minamahal ata.


Speaking of minamahal ... when kaya.


Pero hindi nga, kailan kaya ako magkakaroon ng ganoon. Hays, kung sana hindi lang pinagbabantaan ni Kuya ang mga manliligaw ko sigurado ako na may boyfriend na ako ngayon. Napakasinungaling niya, ang sabi niya papayag siya basta magpaalam lang sa kanila. Papayag, my ass.


Nag-beep ang cell phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag chat. Galing kay Sadie.


'May bagong post bebe mo.'


Napakunot ang noo ko sa tenext ng babaeng ito.


'Sinong bebe naman?' reply ko sa kanya.


Nang nakarating na ako sa garden ay hindi ako nagkamali kasi nandoon nga si Mommy kasama ang mga maids, nag-aasikaso ng mga pananim niya. Nag-beep ulit ang cell phone ko kaya tinignan ko reply niya.


'Si Trevor-Baby'


Hindi na ako nag-abala na mag-reply sa kanya at pumunta sa Instagram para tignan ang bagong post ni Trevor. Oops, wala akong gusto sa kanya ah. Sabihin na lang natin na taga-hanga niya lang ako kasi nga magaling siya sa musical instruments tsaka maganda rin boses niya. Madaming mga bar na rin ang inaaya sila para mag-gig kaya medyo popular na ito. May 385K followers lang naman siya sa Instagram.


Tinignan ko ang post niya.


Teka ... aso ni Ate ito ah. Bakit kasama niya? Ang daya ni Ate! Ayaw niya sa akin ipahawak man lang ang aso niya pero kay Trevor-Bab — KAY TREVOR! Piste, nahahaawan na ako ni Sadie.


Wala akong balak umalis ng bahay pero on the other thought aalis na lang ako.


"Bakit nakasimangot ka riyan? What's wrong?" tanong sa akin ni Mommy kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya.


Nagtatanggal ito ng gloves siguro ay tapos na siya sa pananim niya.


"Pupunta ako kina Ate Red." sabi ko sa kanya.


"Ano ang gagawin mo roon?" tanong niya sa akin at naghugas ng kamay.


"Bibisita Mommy." tipid kong tugon.


"Sige, take care. Huwag kang magpapa-late ng uwi." sabi sa akin ni Mommy kaya tumango ako at pumanhik sa kwarto para makaligo.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon