Red's POV
Kinabukasan ay panghuling araw na namin dito sa Maldives. Nandito kami ngayon sa isang maliit na bar sa isla. Maraming nagsasayawan malapit sa dagat. They were dancing and drinking liquors at the same time. Kaming dalawa naman ni Perseus ay nandito sa maliit na open bar. Katabi ko ito at kanina pa ito naka-akbay sa akin na para bang binabakuran ako.
Sinipat ko ang grupo nina Camille na nasa kabilang lamesa lang. Naningkit ang mga mata ko nang natanaw ko si Raigel kasama nila. They were laughing. How were they related to each other?
"Sino tinitignan mo?" untag ni Perseus sa akin kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.
"Wala naman" sagot ko sa kanya.
Hindi siya nakuntento sa sagot ko kaya lumingon siya sa grupo nina Camille at bumalik ang tingin sa akin kaya umiwas ako.
"Si Camille tinitignan mo? O si Raigel?" tanong niya sa akin kaya napabaling ulit ako sa kanya.
Kilala niya?
"Si Camille tsaka sinong Raigel?" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Nevermind love" tugon niya at hinigpitan ang pagka-akbay sa akin tsaka pinatong ang kanyang baba sa aking balikat.
"Umayos ka nga" reklamo ko kasi dumadampi ang kanyang mabibigat na hininga sa aking leeg.
"Hmm" he hummed.
Tsk!
Inalog-alog ko ang balikat ko pero hindi man lang siya natinag. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Ginagawa niya namang mga paa ng tao ang kanyang middle finger at index finger tsaka iyon pinalakad lakad sa aking nakalantad na hita.
"Let's dance?" tanong niya sa akin.
"I'm still sore" saad ko sa kanya.
Tumawa siya ng konti kaya't hinampas ko siya sa braso. Hinalikan niya ako sa pisngi ng ilang ulit hanggang sa nakuntento siya pero ilang sandali rin ay hahalik na naman. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya dahil gaya ng sabi ko noon ay matigas ang ulo niya.
Nakita kong tumayo sila ni Raigel at Camille at naglakad patungo sa amin. Nakakapit si Camille sa braso ni Raigel. Nakita kong pasimple akong tinaponan ng tingin ni Raigel kaya't nag-iwa ako ng tingin. Nang nakalapit ang mga ito sa amin ay tumayo naman si Perseus para salubongin ang mga ito.
"Hey, man! Hindi mo sinabing kasal ka na pala. Hindi mo ako inimbita." bati ni Raigel sa kanya.
"I'm sorry, Rai, I thought you were out of the country" sagot ni Perseus.
"Hahaha. By the way this is my sister, Camille" pagpapakilala ni Raigel kay Camille.
Magkapatid sila? Tumawa nang mahina si Camille at tinapik ang balikat ni Raigel.