MIH-18

9.1K 191 1
                                    

Red's POV


I was busy doing some sketches when Dana knocked on the door.


"Come in!" sigaw ko.


Pumasok siya. "Ma'am may naghahanap po sa inyo." sabi niya.


Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Sino naman ang maghahanap sa akin maliban kay Perseus? Wala rin naman akong inaasahang bisita at kung may nagpapagawa man ng mga damit ay kay Dana naman sila nagpapa-appoint.


"Sino?" tanong ko.


"Raigel daw Ma'am. Sabi niya kilala niyo daw po siya." sagot niya.


What was he doing here?


"Papasukin mo." tugon ko sa kanya. She nodded and went out.


A few passed by, Raigel stepped into my office. Umayos naman ako nang pagkakaupo at hinarap siya.


"What are you doing here?" I asked seriously.


"Paying a visit?" patanong din niyang saad at lumapit sa mesa ko.


He was wearing his cocky expression which I didn't like. Nang nakalapit na siya sa mesa ko ay umupo naman siya sa upuan habang nakangisi sa akin.


"I don't have all the time to discuss nonsense things with you so just spill it out and leave." I coldly said to him.


"That's so rude of you." he mocked at me.


"You think I care?" tanong ko sa kanya.


"I'm here to apologize for the deed I showed you on chats." saad niya.


I looked at him carefully, trying to figure out if he was serious about what he said and he didn't flinch a bit.


"Then?" tugon ko.


"I wanna be your friend too." saad niya.


"Raigel, alam ko ang relasyon niyo ng asawa ko at ayaw kong masira lang iyon dahil sa akin because honestly, I don't like you to be my friend." I directly said to him.


Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko at nanatili ang expression niyang ganun. May hiya ba sa katawan ang lalaking ito? Isa sa pinaka-ayaw ko sa mga tao ay iyong namimilit at malakas ang dating ng kahanginan.


"Kung sasabihin ko bang nakapasok na sa kompanya ni Perseus si Camille bilang representative ng parents namin ay papayagan mo na akong maging kaibigan mo?" nakangisi niyang tanong sa akin.


Napasinghap naman ako sa tinuran niya. Akala ko ba ay ayaw ni Perseus na makapasok iyon eh bakit ngayon nakapasok na? That wench Camille! She did this on purpose! Bakit naman sinasabi ito ni Raigel sa akin? Ayaw niya naman sigurong ilaglag sa Camille, right? To think na magkapatid silang dalawa.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon