Red's POV
Pagpasok pa lang ng kotse na sinasakyan namin sa isang malaking gate ay namangha na ako. It screamed luxury! Gate pa lang iyon, ano na kaya ang bahay? O mansion? Ang lapad nang daanan patungo sa mansion. Now, I could clearly see the mansion! It was so big! May natanaw pa akong mga katulong sa labas ng mansion, looked like they were waiting for our arrival.
"Are you sure we're going to live here?" tanong ko sa kanya. Napakalaki ng buong kabahayan!
"Why? You don't like it? Hmm?" tanong niya pabalik sa akin.
"It's too big for the two of us!" I exclaimed.
OMG!
"Sino ba ang nagsabi na tayo lang dalawa ang titira rito?" tanong niya sa akin at hininto na ang kotse sa tapat mismo ng pintuan ng mansion tsaka bumaling sa akin.
Ano ba ang lalaking ito, nagtatanong ako sa kanya tapos tatanungin din ako pabalik instead of answering me. Tsk, hindi ko talaga ma-intindihan ang daloy ng pag-iisip nito.
"Of course we have the maids to stay with us pero sobrang laki nito Perseus!" giit ko.
"Then we're going to make a lot of babies" sagot niya at binuksan ang pintuan ng sasakyan tsaka lumabas, left me flabbergasted.
That jerk!
Umikot naman siya patungo sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan. Inungusan ko lang siya at bumaba na sa sasakyan. Nilingon ko naman ang mga maids na nakangiting nakatingin sa amin so I smiled back. Pinagsiklop ni Perseus ang kamay namin at naglakad patungo sa mga maids. He looked proud while holding my hand.
"This is my wife, Red" pakilala niya sa akin sa mga katulong.
"Magandang gabi po" they greeted in unison.
"Magandang gabi rin" I greeted them back.
"Sabihin niyo kay Mang Dante na i-park ang kotse ko." bilin ni Perseus sa kanila tsaka niya ako hinila papasok sa loob.
Pagtapak ko pa lang sa loob ng bahay ay hindi mapigilan ng mga mata ko na magliwaliw. Napakalaki! I saw a staircase, siguro patungo iyon sa mga kwarto sa itaas including the master's bedroom. Dito naman sa baba ay may nakita akong apat na pintuan, hindi ko alam kung ano ang mga nasa loob nito. The furnitures was absolutely splendid.
"Magkano ang bahay na ito?" tanong ko sa kanya pero nasa kabuohan ng bahay ang atensyon ko.
"Don't think about that, come on, let's sleep" sabi niya sa akin at humikab kaya naman bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang pagod sa mga mata nito.
"Okay"
Dinala niya ako sa second floor nitong bahay, maraming mga pinto pero ang lalayo ng agwat. Hmm, guest rooms? Sa pinakadulo niya ako dinala. He opened the door and went in kaya sumunod ako sa kanya. Unang tumambad sa akin ang malaking kama na kulay kahel, he liked that color? Hmm. May lamp sa dalawang gilid ng headboard na nakapatong sa hindi medyo kalakihang lamesa, even the lamps looked so costly. Ang malaking tv ay naka dikit sa pader at may parehabang lamesa na may mga cabinet ang nasa baba ng tv. May nakita akong pintuan na glass kaya kita ko ang lamesa sa labas no'n at may dalawang upuan, balcony. Napakalaki ng kwarto! Hindi pa ako tapos sa pag-inspect sa buong kwarto ng naramdaman ko ang mga braso ni Perseus na pumulupot sa bewang ko. He rested his chin near my neck.