Red's POV
"Happy Birthday, man!"
"Happy Birthday, Mr. Montanari"
"Happy Birthday"
"Happy Birthday, Sir."
"Happy Birthday, Perseus"
Binabati nila si Perseus habang naglalakad kami patungo sa mesa kung nasaan ang mga magulang namin. Ngumingiti sa kanila si Perseus at nagpapasalamat. His possessive arms wrapped around my waist. I couldn't help but smile at the people around us. Hindi ko alam na madami pala ang inimbeta ni Mommy Via.
"You look handsome." puri ni Mommy Via sa anak niya.
"Of course, mom, kanino pa ba magmamana." nakangising sagot ni Perseus.
Well, totoo naman ang sinabi ni Mommy Via, napakagwapo niya ngayon.
Binate siya nila mommy at daddy. Nagsimula kaming kumain at nag-kwentuhan hanggang sa nagpaalam si Perseus na mag babanyo raw muna siya. He kissed my cheek and excused himself.
"Hi everybody." isang pamilyar na boses ng isang lalaki na nanggaling sa likod ko.
Napatingin silang lahat sa tao sa likod ko and my mom and dad was a little bit shock kaya tumingin na rin ako kung sino iyon.
"Raigel?" kasama niya si Camille. They were invited?
"Hey, Mrs. Montanari." nakangiti niyang saad sa akin. "Where's the birthday boy?" tanong niya.
"Washroom." tipid kong tugon at bumalik sa pagkain ko.
"Mabuti naman at nakarating kayo Raigel, Camille." nakangiting sambit ni Mommy Via sa kanilang dalawa.
"It's a pleasure, tita." sabi ng hipon.
"Come on, have a sit." aya sa kanila ni Tita Via. Tahimik namang nagmamasid si Tito Hector at sila Mommy naman ay nakabawi na mula sa pagkagulat.
"Camille Sanchez?" tanong ni Peach.
"Yes." sagot niya.
"So you're the daughter of Mr. and Mrs. Sanchez? The owner of Sanchez Shipping Lines?" tanong ni Peach kay Camille.
"Definitely." tugon ni Camille at kiming ngumiti sa kapatid ko.
"Wow, it's nice to meet you." nakangiting saad ni Peach sa kanya at nginitian lang siya ni Camille.