Red's POV
"Red bakit ba kasi tumutulong pa tayo rito, pwede naman na ang organizer ang gagawa nito." nakasimangot na saad ni Raikes habang nagbubuhat ng round table na medyo may kaliitan, sapat lang sa tatlong tao na mag-inuman.
"You agreed, Raikes." natatawa kong saad sa kanya habang tumutulong ako sa mga flower organizer para sa vase ng bawat isa sa mga round table.
"Hayaan mo 'yan, Red." sabi ni Jasper na nagbubuhat din ng round table.
Dito sa bahay namin ang napiling venue ng birthday ni Perseus, he knew it at wala nga lang siya ngayon kasi nasa Palawan para sa isang business trip, dalawang araw na nga siyang wala at walang araw rin na hindi niya ako bini-bwesit. Bawat gabi ay tumatawag siya sa akin at nagsasabi ng kung ano-ano habang ako naman ay parang tanga na makikinig na lang sa ka cornyhan niya.
"Babe, ako na riyan." sabi ni Raikes sa isang babae na kasama ng organizer.
"Hindi naman mabigat pero nagrereklamo ka na kanina." matapang na saad sa kanya ng babae habang nagbubuhat ito ng round table.
"Woah, burned!" kantiyaw ni Jasper at sumipol kay Raikes.
Sinamaan siya ni Raikes ng tingin kaya tumawa ito. Siguro kanina pa nakikinig sa usapan namin ang babaeng ito, puro kasi reklamo si Raikes eh.
Tinawagan ko kahapon sila Raikes at Jasper pati na rin si Kuya Grey para tumulong sa akin dito sa paghahanda sa birthday ni Perseus. Hindi naman sila umangal na dalawa pero si Raikes nga reklamo ng reklamo, sabi naman ni Jasper ay hayaan na lang daw kasi ganyan lang talaga siya.
(Flashback)
"So pwede kayo bukas ah? Mag e-expect ako na makakarating kayo bukas dito para tulungan ako sa paghahanda." sabi ko kay Jasper at Raikes habang nag vi-video call kaming tatlo.
"Wala bang event organizer?" tanong ni Raikes.
"Meron naman." sagot ko sa kanya.
"Bakit kailangan pa kami?" tanong niya.
"Come on, pare. Wala naman tayong gagawin bukas because it's Sunday, spare your day tomorrow so that we can help." saad naman ni Jasper.
"Nagtatanong lang Jasper tsk." saad ni Raikes. "Okay lang din naman kay Perseus na sa bar ganapin ang birthday niya, baka mas magustuhan pa niya. Madaming chicababes." pagpapatuloy niya sa sinasabi kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Sa susunod talaga ay hindi ko na pasasamahin si Perseus sa kanya.
"What a dick. May asawa na nga iyong tao hindi ba? Tsaka we need to help Red, para naman makabawi tayo sa kanilang dalawa ni Perseus kahit papaano." sabi ni Jasper na kinakunot ng noo ko.