MIH-2

14.5K 324 27
                                    

Red's POV

"Look at this one ate," nakangiting saad ni Peach at tinaas ang napili niyang stuff toy.

Nandito kami ngayon sa mall. Nag-aya kasi si Peach kanina sa akin para mag shopping kasama siya. Akala ko nga ay sasama rin si mommy pero sabi niya busy raw ito sa kaka-alaga sa mga halaman. Tsk, mas madami pa siyang time sa mga halaman niya kaysa sa mga anak niya. Pagseselosan ko na talaga iyang mga halaman niya. Baka nga isang araw ay maging enchanted garden na ang bahay namin kasi balak niyang palibutan ng vines iyon.

"Tsk, alam mo naman na paborito ko 'yan," sabi ko at kinuha sa kamay niya tsaka nilagay sa cart.

"Duh! Paborito mo naman lahat eh," sabi niya at tumawa.

Naalala ko tuloy noong huling beses na nag-shopping kaming dalawa. Halos bilhin ko lahat ng stuff toy na nakita ko noon dahil ang cu-cute pero kalaunan ay binigay ko rin sa orphanage para naman mapakinabangan ng mga bata roon. Ilang buwan na rin akong hindi nakapunta sa orphanage na ini-isponsoran ng clothing line ko ngunit nagpapadala pa rin naman ako ng pera.

"Tiyaka nga pala ate malapit na birthday ni Lola. Ano pang re-regalo mo sa kanya? I-design moa ko ng gown ha," sabi niya habang patuloy sa pagtingin sa mga stuff toy. Nandito kasi kami ngayon sa Miniso, ang cute ng mga stuff toys dito.

"Hindi ko nga rin alam eh. Nasa kay lola na naman din ang lahat," sabi ko na lang.

Noong nakaraang birthday kasi ni lola inayawan iyong regalo ko. Paano ba naman kasi ay hindi niya tinanggap, malay ko ba rin na ayaw niya sa mga ahas eh sabi niya gusto niya sa animals. Halos atakihin si lola noong nakita niya na ang ahas kahit na nasa aquarium naman iyon. Ang mahal pa naman ng ahas na iyon tapos hindi niya tinanggap, ball albino python.

Pagkatapos namin sa Miniso ay dumeritso kami sa korean restaurant, nagugutom na kasi si Peach. Si Peach ang bunso sa aming tatlong magkakapatid at ang panganay ay si Kuya Grey. Ang pangalan ni mommy ay Lavender at si Daddy naman ay Damon. Yeah right, my mom does really loved colors kaya nga puro kulay ang pangalan naming magkakapatid. Maganda naman ang pangalan ng kulay kaya naman hindi ko na sinisi pa si mommy.

"Annyeong haseyo, do you have any reservation ma'am?" masiglang tanong sa akin ng babaeng waitress na lumapit sa amin.

"Wala po," si Peach na ang sumagot.

"Okay po. Sumunod nalang po kayo sa akin at ihahatid ko po kayo sa magiging table niyo, Miss Red," sabi ng waitress kaya medyo nagulat si Peach.

Ngumiti ako sa waitress habang si Peach naman ay nakatingin sa akin na may mga tanong sa mga mata niya.

"Regular customer ako rito," sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi mo ako sinabihan duh," wika niya kaya naman kinurot ko ang bewang niya.

Nang nakarating kami sa table namin ay hinayaan ko na na si Peach ang mamili ng pagkain naming dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Minsan kasi kung ako ang pumipili ay hindi niya nagugustohan kaya't mas mabuti na siya nalang para maubos niya lahat.

Pagkatapos niyang mag order ay wala ng ginawa si Peach kung hindi mag cellphone habang ako naman ay tumitingin-tingin sa paligid dahil lowbat na ako. Hindi ko nadala ang power bank ko dahil nagmamadali ako kanina.

Habang tumitingin-tingin ay nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Cassandra at Darren na dumaan dito sa restaurant. See through kasi, kita ang labas. Bwesit, sa lahat ng makikita ko sila pa talagang dalawa, tsk! Ang sakit lang sa mata. Hindi naman sa bitter ako pero kapag nakikita ko kasi silang dalawa ay parang bumabalik sa isip ko 'yong panloloko nilang dalawa sa akin.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon