MIH-22

9.1K 201 2
                                    

Red's POV


"Good morning, love" boses ni Perseus ang bumungad sa akin pagkagising ko.


Malalim na ang gabi nang nakauwi kami kagabi dahil sa kalandian niya. Hindi niya ako tinigilan at para bang walang parte ng opisina ko na hindi niya ako inangkin. He was so irresistible, and his horniness overloaded even though we just had sex the day before his birthday.


"Morning." saad ko at humikab.


"Your brother called you." imporma niya kaya napabaling ako sa kanya na kasalukuyang nagbibihis.


"Ano sabi?" tanong ko sa kanya at umupo.


"Yung usapan niyo raw. You didn't tell me about it." nakasimangot niyang saad sa akin.


Usapan? Oof — ngayon pala iyon!


"I forgot to tell you, love. Maliligo na ako at pupunta sa bahay namin." agad kong sabi sa kanya at tumakbo patungong banyo.


He wanted me to accompany him for choosing a gift. Hindi ko nga talaga inakala na magkaka-interes pala siya sa mga babae. Never pa siya nagkaroon ng girlfriend kaya noong sinabi niya na tulungan ko siya sa pamimili ng regalo para sa nililigawan niya ay nabigla ako. Nagbibinata na si Kuya Grey!


Sinipat ko ang orasan namin dito sa banyo at malapit na mag alas nuebe. Binilisan ko ang pagligo at nagbihis ng simpleng color black na above the knee dress at pinaresan ko ito ng black wedge sandals tsaka dali-daling bumaba habang sinusuklay ang buhok ko.


Pagbaba ko ay naabutan ko si Perseus sa living room na nanonood ng NBA. Hindi ba ito papasok sa trabaho? Pumasok ako sa loob at hinalikan siya sa pisngi mula sa likod niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya at hinalikan.


"Aalis na ako." imporma ko sa kanya.


"Okay, take care." saad niya at pinakawalan ang kamay ko.


Ginulo ko ang buhok niya at sinapo ang mukha niya tsaka siya pinatakan ng halik sa mga labi.


"Mag breakfast ka muna bago manood." utos ko sa kanya at tumango lang ito kaya lumabas na ako ng bahay at tumungo sa garahe.


I maneuvered my car into my parent's house. Nang nakarating ako roon ay nakita ko si Peach na nag gi-gitara sa may garden namin. Tumigil siya sa ginagawa niya tsaka lumapit sa akin. Kailan pa nagka-interes sa paggi-gitara ang isang 'to?


"Kanina ka pa hinihintay ni Kuya." saad niya at hinalikan ako sa pisngi.


"Yeah, na late ako ng gising. Where is he?" tanong ko sa kanya.


"Tara samahan na lang kita." sabi niya.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon