MIH-26

8.9K 196 1
                                    

Red's POV


"Ate may naghahanap sa'yo." sabi ni Peach nang pumasok ito sa kwarto ko.


"Kung si Perseus na naman iyan, sabihin mong ayaw ko siyang makita." sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.


Tatlong araw na akong namalagi rito sa bahay, ayaw kong umuwi. Neknek niya, pagkatapos niya akong sigaw-sigawan ngayon ay susunduin niya ako rito sa bahay at papauwiin. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay lagi siyang pumupunta rito. Minsan ay dito na rin siya kumakain at nagpapalipas ng gabi pero hindi ko siya pinapatulog sa kwarto ko.


"Hindi si Kuya Perseus, Ate. Si Kuya Raikes at Kuya Jasper ang nasa baba." tugon niya kaya bumaling ako sa kanya.


"Anong ginagawa nila rito?" tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat siya tsaka lumabas ng kwarto.


Anong ginagawa ng dalawang iyon dito eh wala naman dito si Perseus.


Tumayo ako galing sa pagkakadapa sa kama at nag-ayos bago bumaba. Pagdating ko roon ay nakita ko silang dalawa na kausap ni Kuya Grey. Nang nakita nila ako ay agad silang tumayo at ngumiti sa akin.


"Hi!" they chirped.


"Hello, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa at tumabi ng upo kay Kuya Grey sa mahabang sofa. Umupo naman din sila.


"Dumadalaw lang sa'yo." nakangising sagot ni Raikes.


"Wala rito si Perseus, baka siya ang dadalawin niyo? Hindi ito ang bahay niya." masungit kong sambit sa kanilang dalawa.


Napangiwi sila dahil sa sinabi ko.


"Red." saway ni Kuya Grey.


"Pumunta kasi kami sa bahay niyo at wala ka roon kaya naisipan ka naming bisitahin ngayon." sabi ni Jasper.


"The main reason for our visit is we're inviting you to come with us to Palawan. Birthday ko kasi bukas at doon ko naisipang eh celebrate since may rest house naman kami roon. Can you come with us?" tanong ni Raikes.


I rolled my eyes and looked at him blankly.


"Noong nakaraang buwan ang birthday mo Raikes kaya 'wag mo akong lokohin. Excuse me, may tatapusin pa ako." sabi ko at tumayo na tsaka tumungo sa taas.


I knew it, pinadala silang dalawa ni Perseus dito. As if naman sasama ako, never.


Pagdating ko sa kwarto ay naabutan ko si Peach na nakahiga sa kama ko habang nag ce-cellphone. Hindi ata ako nito napansin na pumasok kasi hindi ito gumalaw kaya walang ingay akong lumapit sa kanya at tinignan kung ano ang ginagawa niya sa cellphone niya.


I saw her stalking Perseus' brother.


"Ano 'yan ah." untag ko sa kanya at muntik niya nang nabitawan ang kanyang cell phone dahil sa gulat.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon