MIH-4

12.9K 318 21
                                    

Third Person's POV


Naalimpungatan si Red sa mahimbing niyang pagkakatulog nang may nag-doorbell. She groaned and shoved her face on the pillow. Hindi pa rin tumitigil ang pag do-door bell kaya tamad siyang umupo habang nakapikit pa ang mga mata tsaka nakasimangot ang mukha.


Late na siya nakatulog kagabi dahil tinapos niya ang pag-review ng mga designs na ginawa ng mga empleyado niya. Hindi pwedeng i-deritso pagawa ang mga damit na tapos na idesinyo dahil kailangan pa ng approval niya tsaka magbibigay si Dana ng go-signal sa production team.


Ilang araw na siyang walang tamang tulog at kung kasama niya lang sa bahay ang parents niya ay malamang ilang pangaral na ang natamo niya mula sa mga ito. Kailangan niya na rin i-set ang appointment niya sa kanyang doctor upang mabigyan siya ng prescription.


"Bwesit sino ba 'to," inis niyang bulong ng hindi pa rin tumigil sa pag do-doorbell ang tao sa labas.


Tumayo siya at sinuot ang bra at hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Hindi na siya nag-abala na mag-ayos pa dahil sobrang pagod ang nararamdaman. Pakiramdam nga niya ay kailangan niya ng bumili ng bagong spinal cord dahil sobrang sakit na ng likod niya dulot ng ilang oras niyang pag-upo kagabi.


Habang naglalakad siya papuntang pintuan ay hindi pa rin tumitigil ang pagdo-doorbell. Nagsimulang uminit ang ulo niya kaya't binilisan niya ang kanyang mga hakbang papunta sa pintuan.


"Putangina sandali lang!" sigaw niya.


Nang nabuksan niya ang pinto ay halos lumuwa na ang eyeballs niya dahil sa mga taong nasa harapan niya at napatakip pa siya ng bibig niya dahil sa gulat.


"My! Dy!" gulat niyang saad.


Her mom and dad was standing in front of her. Halata sa mga mukha nito na ang asim habang nakatingin sa kanya kaya't napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at pasimpleng inayos ang damit niya.


"Ang aga-aga nagmumura ka na, sana hindi mo madala 'yan sa pag-aasawa mo," sabi ng daddy niya.


Hilaw siyang ngumiti at nilapitan ang mga ito.


"Sorry po, daddy," sabi niya at hinalikan niya ito sa pisngi.


"What are you doing these past few days, Red. Have you seen yourself in the mirror? Halatang-halata ang eyebags mo," puna ng mommy niya tsaka siya hinalikan sa pisngi.


"Busy lang po sa work. Come in," sagot ni Red sa mommy niya.


Tahimik na sumunod ang magulang niya sa loob ng condo. Medyo kinabahan siya dahil sa pagbisita ng mga magulang niya sa kanya, hindi naman kasi ito pumupunta sa condo niya ng hindi nagpapaalam at higit sa lahat ay hindi rin ito pumupunta ng alas otso ng umaga. Pakiramdam niya ay para bang may nagawa siyang kasalanan o baka may nangyari.


"Upo po muna kayo, what can I offer? A coffee, maybe?" tanong niya sa mga magulang niya at akmang pupunta na sa kusina ng magsalita ang daddy niya.

My Instant HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon