Raven's POV
Sa wakas natapos na rin ako sa Programming. Nandito pala ako ngayon sa computer lab at kakatapos ko lang mag encode. Hindi naman to major subject pero kailangan ko pa ring makakuha ng mataas na marka dahil ang alam ng lahat ay scholar ako kaya nakapasok ako sa University na 'to.
I need to maintain a GPA of 1.2. Medyo challenge to sa'kin dahil Engineering ang kinukuha kong course.
Teka, ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang naiwan dito. Tinignan ko ang relong suot ko para tingnan kung anong oras na.
"6:43 PM na pala" mahina kong sambit.
Tatayo na sana ako nang biglang namatay yung ilaw kaya napa sign of the cross ako. Kinapa-kapa ko yung bag ko para kunin yung cellphone ko pero lowbat kaya hindi ko ma-on.
"Patay, wala pa naman akong dalang flashlight. Pano na yan?"
Sinubukan kong kumapa-kapa dahil kabisado ko naman tong computer lab. Wala na akong choice. Gagapang na lang ako para safe.Wala na mang makakakita sa'kin dito kaya ba't naman ako mahihiya diba?
Ilang sandali lang ay parang may nakapa akong sapatos kaya tumayo ako agad.
"Ahh-mmp" hindi ko na natuloy ang pagsigaw dahil nakatakip na yung bibig ko
"Sino ka?" Tanong ko nung binitawan nya ako.
Hindi ko parin talaga nakikita ang mukha nya dahil sa sobrang dilim
"Just passing by" walang kabuhay-buhay naman nyang sagot
"Ah, okay."
Natural kinakabahan ako noh. Pero hindi ko pinaparamdam
"What are you doing here?"
"M-may tinapos lang akong activity. Pauwi na rin ako nung biglang namatay y-yung ilaw."
Hindi naman mainit dito pero ramdam kong may namumuong butil ng pawis sa noo ko
"I see."
May itatanong pa sana ako pero hinawakan na nya yung kamay ko at dire-diretso lang sa paglalakad. Naku, baka mabangga kami. Hindi na lang ako nagreklamo dahil gusto ko na talagang umuwi.
Woah.
Nandito na agad kami sa labas? Pero madilim pa rin kaya hindi ko pa rin maaninag ang mukha nya.
"Ah, salamat pala sa tulong mo--"
Hindi ko na natuloy ang pagpapasalamat dahil biglang tumunog ang phone nya. Sinagot naman nya ito agad.
Sino naman kaya ang tumawag sa kanya?
At ano naman ang pakealam ko. Hayss, ikaw talaga Raven. May pagka Marites ka minsan
"I have to go."
"Salam-"
Hays, hindi man lang ako nakapagpasalamat. Ang bilis nyang nakaalis. Sa susunod na lang siguro.
Pero ang tanong, magkikita pa kaya kami ulit?
*****
"Nay! Nandito na po ako" bungad ko kay nanay Elie pagkarating ko
Nasaan na ba sya? Dumiretso ako sa kusina
"Yes, I already told him about that. Don't worry, I'll handle it."
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na narinig ko si nanay Elie na may kausap sa telepono pero parang may iba ngayon. Ngayon ko lang napansin na fluent pala syang mag-English.
Binaba na nya ang telepono kaya nagpakita na ako
"Nay!"
"Kanina ka pa ba dyan Raven?" parang kinakabahan nyang tanong
"Ah, kararating ko lang Nay."
Ngumiti ako na parang walang nangyari
"Tamang-tama at nakapagluto na ako. Maupo ka at ipaghahanda kita."
"Sige po Nay."
Anong nangyari dito kay nanay Elie?
Weird.
Someone's POV
"Kumusta na 'yung pinapatrabaho ko sa'yo?"
Prente syang nakaupo sa recliner habang umiinom ng wine
Umupo ako sa sofa nitong office nya "As usual, tutok parin sya sa pag-aaral nya. Nakita ko sya kanina sa computer lab. Sa tingin ko wala pa syang alam."
"Sooner or later, she will be able to figure it out. Sa ngayon, manmanan mo muna sya. Gusto ko mang patayin sya pero hindi ko yun magagawa dahil kailangan pa natin ang babaeng yan upang maisagawa ang ating plano."
May halong galit sa bawat salitang binibigkas nya
"Yes, master."
Makukuha din natin sya.
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiyonHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...