Chapter 5- The Competition

708 186 80
                                    

Azure's POV

"Attention, the singing competition will begin in a few more minutes. Thank you."

Isang linggo na ang nakalipas at nandito kami ngayon sa gym. Madaming mga students and as well as guests. Malaki kasi tong gym namin. Madami ding bleachers at puno na yun lahat.

Nasa gitna ng gym malapit sa malaking stage ang mga guests at yung mag ju-judge sa singing contest. Mayroong ding iilang parents na nakaupo doon para suportaan ang kanilang mga anak na kasali.

Inagahan talaga naming pumunta rito para nasa unahan kami. At alam nyo ba? Hindi ko talaga maiwasang--

"Oh, ba't nakangiti ka dyan Azure?" tanong ni Viona na parang nag-iisip ng sagot sa kanyang tanong

"Twin Viona, naging successful kasi sya." si Sapphire naman ang sumagot habang tumitingin-tingin sa stage.

Ako pa. Tingnan lang natin

"Talaga Azure? Gwapo ba? eeeeehh. I'm so kinikilig! Ouch!"

Buti nga sa kanya. Binatukan ko nga. Kung ano kasing nasa isip eh.

"Twin Sapphire, si Azure oh. Ang chakit-chakit kaya! huhuhu" sabay arte ni Viona na parang nasasaktan

"It's okay Twin Viona. Sabay na lang tayong maghanap ng gwapo yieeee" kinikilig pa 'tong si Sapphire

"Hoy! magsitigil nga kayo. Ang dami kayang tao. Nakakahiya."

Pigilan nyo ako!

Pag-uuntugin ko talaga ang mga ulo nitong dalawang malanding to. Kahit kailan talaga tong mga to. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Pero teka lang, diba apat tayong pumunta dito? Pero asan si Raven?" nagtaka naman si Viona

"Oo nga twin Viona, naisip ko rin yun. Asan kaya sya?" dagdag pa ni Sapphire pagkatapos isubo ang fries

Nakatingin sila sa akin ngayon na para bang mayroon akong nagawang malaking kasalanan. Walanjo

Anong problema ng mga to?

"Diba sabi nya bibili lang sya ng ice cream sandali. Pwede namang umorder dito pero mas gusto daw nya yung nasa labas. Maarte din yung isang yun eh." paliwanag ko naman

"Ladies and gentlemen, let us clap our hands to contestant number 1"

Nagpalakpakan naman ang mga tao kaya nabaling sa kanila ang atensyon ng dalawang 'to. Buti naman. Ang iingay kasi eh.

Pero, hahaha teka, bakit ba ako tumatawa? Para tuloy akong baliw dito. Buti na lang at hindi nakatingin sa akin 'tong dalawa.


-after several performances-


"Azure, si BITCHel na ata ang kakanta"

Hindi makapaniwala si Sapphire. Ako rin naman eh.

Nagsimula ng kumanta si Vitchel and as usual, parang hindi na magkaintindihan ang mga tao kung maiiyak ba sila o magwawala dahil sa boses nya. Alam mo yung parang naipit na daga?

"Ano ba yan, ang sakit na ng tenga ko!"

"Bakit kasali pa yan?"

"I can't believe it. Is she insane?"

Grabe ang mga bulungan ng mga tao. Paano ba kasi, pumipiyok-piyok pa sya. At hindi pa talaga sya nahiya dahil ang laki pa ng ngiti nya.

Ewan ko, ako ang nahihiya para sa kanya. Ang dami pa namang nanonood. Pwede kasing manood ang mga outsiders.

"Grabe twin Viona, ang kapal talaga ng mukha ni BITCHel. Akalain mo nga naman, kumikindat-kindat pa habang kumakanta." hindi makapaniwalang sambit ni Sapphire

"You're right twin Sapphire. No doubt, she's really a BITCH."


*****

Hay, sa wakas natapos na din ang kanta pero rinig na rinig pa rin ang bulungan ng mga tao. Hindi mo naman sila masisisi eh

"Ano ba yan, wala man lang bang maayos na contestant dyan?"

"Wala na talaga twin Viona kasi last contestant na sya" sagot naman ni Sapphire

"Tara na nga" dismayadong pag-aaya ni Viona

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa exit door ng gym

"Ladies and gentlemen, let's welcome the last contestant. A round of applause please!"

"Meron pang isa? Diba last na si BITCHel?" naguguluhang tanong ni Sapphire

"Oo nga twin Sapphire. Yun din ang alam ko eh" napakamot na lang ng ulo si Viona sabay balik sa kinauupuan

Nagsibalikan din ang lahat ng mga taong lalabas na sana ng gym. Sino ba namang hindi babalik. Nagsimula na kaseng kumanta ang huling contestant. Kung kanina parang nasa Divisoria kami, ngayon aakalain mong nasa loob kami ng simbahan sa sobrang tahimik

Ang parang tanging naririnig lang ng mga tao ay ang boses ng isang anghel na wari'y bumaba sa lupa. Ehem, malalim ba yung sinabi ko?

"Who is she?"

"She's pretty good. I like her."

"Awesome."

Hanggang matapos ang kanta, nakanganga pa rin ang halos lahat ng tao. Napangiti na lang ako.


Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon