Raven's POV
Ahhhh! Bakit ba hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung nangyari kahapon? Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa libro. Hindi naman ako mapapansin ng librarian kase medyo malayo sya sa kinaroroonan ko.
Haaay, si Gray kasi eh! Nakakainis. Buti na lang at Tuesday na ngayon. Wala akong Computer programming na subject kaya hindi ko muna makikita ang makapal na pagmumukha ng isang yun.
"Anong ginagawa mo dyan?"
Napaayos kaagad ako ng upo nung may narinig akong nagsalita sa harapan ko.
Nagbabasa malamang
"Ikaw pala. W-wala ka bang klase ngayon?"
Nakaupo na sya ngayon sa upuang nasa harapan ko at napapagitnaan namin ang table.
"'Di na ako nag-aaral. I already graduated. I'm one of the alumni of this University."
Kaya naman pala sabi nila Sapphire, sikat sya rito. Narinig ko kasi silang dalawa ni Viona na nag-uusap tungkol kay Wayne.
Hindi ko naman maitatangging gwapo si Wayne. Matangos din yung ilong nya eh at makinis din ang balat. Kung ikukumpara ko sya kay Gray, masasabi kong siguro magkasing-edad sila.
Teka, bakit nasali si Gray sa usapan? Ahhh! Raven naman eh! FOCUS Raven. Kausap mo si Wayne kaya dapat sya ang atupagin mo.
"Kung ganon, bakit ka nandito?"
"Wala lang, I just want to meet someone. Dito kase sya nag-aaral. I just want to spend time with her." kalmado naman nyang sagot habang patingin-tingin sa librong dala nya
Her?
Ibig sabihin babae? Siguro girlfriend nya ata. Baka di nya makaya ang LDR kaya bumibisita sya dito paminsan-minsan.
Napangiti ako "Ang sweet mo naman. Siguro matutuwa yun sa tuwing nag-uusap kayo." Ang swerte naman nung babaeng yun.
Ngumiti din sya sabay tiklop ng librong tinitingnan nya "Yeah, and I can see it in her eyes."
*****
Pauwi na ako ngayon. Tutal maaga pa naman, napagdesisyunan kong maglalakad na lang ako papunta sa amin.
"Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita." Napalingon ako nung may narinig akong nagsalita sa likuran ko
"Naku, hindi na Wayne. Maglalakad na lang ako. Maaga pa naman. Nakaugalian ko na rin kasing maglakad pauwi tuwing maagang natatapos ang klase ko." paliwanag ko naman
"Are you sure?"
"Oo naman." nag thumbs up pa ako
Ngumiti naman sya "Fine. I'll just see you again tomorrow. Mag-ingat ka."
Nagsimula na akong maglakad. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong maglakad ay para maaliw sa pagmamasid sa bawat madadaanan ko. Napatingin ako sa langit. Color orange na ito ngayon.
"Ang ganda" sambit ko naman habang nakatanaw pa rin sa langit
Kinuha ko ang aking wireless earphones at nilagay ito sa magkabila kong tenga. Mas nakaka relax kase pag may music habang naglalakad ako.
Napapansin kong dumidilim na pala. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakikinig ng music nang biglang may yumakap sa akin kasabay ng pagdaan ng humaharurot na motorsiklo. Muntik na pala akong masagasaan. Kung siguro hindi ako--
"Clumsyhead." sabi nung taong nagligtas sa akin.
Naririnig ko sya dahil nahulog yung earphone na nakalagay sa tenga ko
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
