Chapter 13- Nightmare

500 113 41
                                    

Raven’s POV

Nasaan ba ako? Teka, parang nandito ako sa isang lumang gusali. Nakaupo ako sa isang silya. Bakit ako nakagapos? Aray. Bakit ang dami kong pasa sa katawan? Hindi ko naman natatandaang may nambugbog sa akin.

Imposible namang nakipaglaban ako habang tulog. Ano yun? Kung may sleep walk, eh may sleep fight din?

That's too impossible.

Kinakailangan kong makawala dito. Pero anong gagawin ko?


OPTION #1:

Sumigaw ng napakalakas para dumating ang knight in shining armor ko.

I shook my head

Mapapaos lang ako pag ginawa ko yan. Wala naman sigurong makakarinig din sa sigaw ko dahil nakasirado ang kwartong kinaroroonan ko ngayon. Kinakailangan kong mag-isip pa ng iba.

Think girl. You got this!


OPTION #2:

Humiling kapag nakakita ng shooting star.

Napailing ako ulit

Paano naman ako makakahiling, eh umaga pa naman ngayon. Ang tanga ko talaga.

What the fudge, Raven. Nasan mo ba kasi nilagay yung utak mo?


OPTION #3:

Magpanggap na nasasapian para matakot ang mga kumidnap sa akin at sa wakas, pakakawalan na nila ako.

I shook my brainless head again

Hindi naman ko magaling umacting kaya di yan oobra. Hayss, ano na'ng gagawin ko?

Sayang, wala akong dalang posporo. Mas oobra 'pag sisindihan ko 'yun. 'Dun ko itatapon sa kabilang kwarto. May butas pa namang maliit dito. Kasyang-kasya yun.

Bow to your queen, Morons.

Hayss. Di ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Akala ko sa mga palabas lang sa TV nangyayari ang mga ganito pero bakit nangyari sa akin? Hindi ba 'to prank? Yun kasi ang mga napapanood ko sa mga famous vloggers sa YouTube. Siguro may mga hidden cameras dito para mapagmasdan nila ang reaksyon ko.

Nagpalinga-linga ako para hanapin kung meron mang cameras na nakalagay sa gilid pero wala akong makita. Huhuhu

I'm doomed!

Pinipilit ko paring kumawala mula sa mahigpit na pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Napatigil ako nung biglang bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sumigaw ng malakas pero hindi ko  magawa dahil sa sobrang panghihina.

Halos mapaiyak na ako nung makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto. Teka, parang nakita ko na ang pagmumukha nya. Naglalakad sya ngayon papalapit sa kinaroroonan ko. Tama! Kilala ko kung sino sya.

“A-anong ginagawa mo dito?”

Tiningnan lang nya ako ng diretso sa mata at hindi man lang nagsalita.

“Ano bang nangyayari? Ikaw ba ang gumawa sa’kin nito? Sumagot ka! Naguguluhan na ako.” nagsisimula ng mag-unahan sa pag agos ang mga luha sa mga mata ko

Umiiyak ako hindi dahil sa takot kundi sa katotohanang pinagkatiwalaan ko ang taong nasa harapan ko ngayon. Kilala ko sya at hindi ko alam kung bakit nya ginawa to sa'kin. May atraso ba ako sa kanya?

He took out his gun and aimed at me.

*bang*

Sobrang bilis ng mga pangyayari and the next thing I know is that I am already soaked with my own blood.

Bakit mo ‘to ginawa sa'kin? Pinagkatiwalaan kita na kahit ang kahinaan ko ay sinabi ko sa’yo ng walang pag-aalinlangan

Hindi ko lubos maisip na ang taong tumulong sa akin sa Computer lab at ang taong nagturo sa akin sa Public library ang makakagawa nito sa akin.

I can hardly breathe at ang bigat na ng mga talukap ko sa mata pero nagawa ko pa ring magsalita before I passed out.

“B-bakit, Gray?” nahihirapan kong saad

Then, everything went black











"Raven. Raven! Wake up!"

Napabangon ako bigla dahil sa sobrang gulat nung may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Gray?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak

"Shhh calm down. You're dreaming."



Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon