Chapter 20- Bullet

425 100 38
                                        

Raven's POV

Nagising ako sa katok ng pinto.

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko "Inaantok pa ako nay."

Hindi ko talaga alam kung bakit napakabigat ng katawan ko ngayong araw. Feeling ko, sumali ako ng marathon kahapon.

Nagtalukbong ako ng kumot "Nay, last 5 minutes po please."

*door opens*

"Are you planning to sleep for the rest of the day and just dream for some unicorns and stuffs?

Kelan pa naging boses lalaki si nanay Elie?

My gosh!

Mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon. Ang tanga mo talaga Raven. Bakit mo naman nakalimutan na nandito ka pala sa bahay ni Gray natulog?

Pinagdikit-dikit ko yung hintuturo ko "Ah e, sorry talaga. Naabala pa kita."

Nakakahiya talaga. Nakikitira pa ako dito tapos nagpapagising pa ako sa kanya

Umupo sya sa gilid ng kama malapit sa akin "Sleepyhead." ginulo nya ang buhok ko na inayos ko naman agad

Nag unat-unat ako ng konti habang nakaupo pa rin sa kama "Ang aga-aga mo naman atang gumising."

9 AM ang first class ko ngayong araw kaya okay lang kahit na ma-late pa ako ng gising

Tiningnan nya ako "Everyone has their own motivation to get up in the morning and face the day." tumayo sya agad pagkatapos magsalita

Umayos naman ako ng upo "Edi ibig sabihin, meron ka din?"

"Well, I guess waking up early and starting the day with an intentional and productive morning, lay the foundation for the rest of your day." Napataas naman ang kilay ko

"If you start calm and centered, then no doubt, you'll be able to handle certain curveballs that get thrown your way with much greater finesse." dagdag pa nya

Ang lalim naman ng mga pinagsasabi nya. Pwede namang sabihin na lang nya na 'Peaceful and productive mornings means calm and happy days'. Para naman mas maintindihan ko agad diba?

"Ang daming sinasabi."

Saan kaya nya nakuha ang mga banat nyang ganyan?

"Are you saying something?" naka cross arms sya ngayon habang nakasandal sa wall malapit sa pinto

Narinig nya yun? "Ang sabi ko, maliligo na ako. Period." 

Tinulak ko sya ng mahina palabas ng pinto

Bago ko pa man maisara ang pinto ay nagsalita muna sya "I see. Just go downstairs if you're done so you can have your breakfast. The time is ticking so better hurry or else--"

"Oo na" Sinarado ko na agad ang pinto.

Natural, hindi naman talaga humihinto ang oras. Dapat pa ba nyang ipamukha yun sa'kin?

Napatingin na lang ako sa kabuuan nitong kwarto. Infairness, maganda sya. Sobrang linis. Ganito ba talaga ang guest room nya, para kasing pambabae. Napatingin ako sa walk-in closet. May mga gamit na rin akong nakalagay dito, yung mga binili namin kahapon.

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon