Brye's POV
"Sa tingin mo Brye, anong oras kaya babalik dito si Boss?"
Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagta-type sa laptop. I need to save some important data regarding our recent transactions in the Black Market.
"Eh diba nga busy yun si boss sa date nila ni Raven kaya baka gabi na yun uuwi. Bakit Zircon, selos ka?"
"Gago ka Ivo! Di ba pwedeng may nakalap akong balita na dapat niyang malaman agad?"
"Chillax tol. Ano ba kasi yun?"
"Bro, confirmed. Bumalik na sila."
Napahinto ako sa pagta-type nang marinig ko ang sinabi ni Zircon
"Are you sure?" kunot-noong tanong ko sa kanya
Akala ko ba tapos na yung nangyari noon? Hindi pa ba sapat yung dinanas ni boss sa kamay nila?
"Sigurado ako sa balitang yan bro. Walang ka bang tiwala sa'kin pagdating sa mga usaping yan? O di kaya ay natatakot ka lang kaya ayaw mong tanggapin na—"
"Gago. Di ako takot sa mga yun."
Pero sa totoo lang, di ko maiwasang mangamba at mapaisip kung anong susunod na mangyayari sa susunod na mga araw.
They are back.
The Skylarks are back.
Raven's POV
Halos isang oras rin kaming nakaupo ni Gray at pinagmasdan lang ang napagandang view sa harapan namin. Medyo tumahan na rin ako. Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit papaano nakakahinga na rin ako ng maluwag ngayon. Alam kong naiintindihan nya ako kasi pareho lang naman kaming nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang. Pero sana, magkita na sila ulit ng mommy nya para naman sumaya na sya. Kitang-kita naman sa mga mata niya ang totoo nyang nararamdaman.
Teka, di rin nya nabanggit yung tungkol sa tatay nya.
"Gray..." pagbasag ko sa katahimikan
"hmm?"
Bahala na kung tawagin nya akong isang Marites. Nacu-curious kase ako eh
"Ah ano kase... nasan na pala yung—"
"My dad?"
Pano nya nalaman na yun ang itatanong ko?
Mind-reader huh
"He's dead."
Pareho pala kami?
"Did I answer your question?"
"Ah h-hindi naman yun ang itatanong ko eh."
Alam kong chismosa ako pero dapat di natin pinapahalata mga sis. At isa pa, ayoko na ring mahaluan pa ng lungkot ang pag-uusapan namin ngayon. Pahinga muna ako sa pagda-drama. Nakakapanghina pala.
"Ang tinatanong ko ay kung nasan na yung girlfriend mo."
OMO! Gagi.
Wait, what?!
Gaga ka Raven, sa lahat ng tanong na pwede mong ipalit, bakit 'yan pa?!
Wrong choice of words.
"Pfft hahaha"
Napakamot na lang ako. Yan ang napapala mo Raven pag napapasobra ka ng iyak
Again, one of the most embarrassing moments of my life. I hate you, self
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
