Chapter 11- Programmers

529 125 47
                                        

Raven's POV

"Girls, I have a good news!" kinikilig pa si Viona habang papalapit sa table namin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school. Lunch time na kasi at ito lang ang time kung saan nagkikita kaming lahat.

Ang hirap talaga basta college student ka na. Iba-iba ang sched namin at iba iba rin ang classmates every subject. Ang daming Group Chat tapos mga SEENER pa yung iba. Akala mo naman FAMOUS. Naka 100+reacts lang naman pala sa Profile picture nila.

"Ano yun twin Viona?" excited na tanong ni Sapphire pagkatapos uminom ng juice

"Well, nabalitaan nyo ba yung biglang pagpatay ng ilaw sa Computer lab noong isang gabi?" umupo si Viona sa bakanteng upuan na katabi ni Azure.

Isang araw na ang nakalipas matapos yung nangyari. Hays, hindi ko pa rin alam kung paano ko sya muling makikita. Nagtataka lang talaga ako kasi first time nangyari na biglang namatay ang ilaw sa Comlab.

"Oh ano naman ngayon?" tanong naman ni Azure na kakatapos lang din kumain.

Ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila habang umiinom ng Yakult.

"Patapusin mo kasi ako Azure!"

"Tss whatevess" inirapan lang sya ni Azure

"Ganito kasi yun. May mga pupunta dito sa school at sila ang susuri kung anong problema."

"At?" nakisali na rin ako sa usapan

"Well, ano ka ba Raven. Hindi mo ba alam na sila lang naman ang-"

*Bell rings*

"Girls, mamaya na lang tayo magkwentuhan. I have to go. Major subject ko ngayon." inayos ni Azure ang mga gamit nya

"Ako rin. Minor ko ngayon pero kailangan ko pareng seryosohin." inayos ko na rin ang gamit ko

"Sumabay kana sa'kin Raven. Madadaanan mo rin naman yung building namin."

"Sige Azure, tara. Mauna na kami sa inyo." pagpapaalam ko kina Sapphire at Viona.

Pareho sila ng kurso kaya pareho din sila ng vacant time ngayon.


-After several hours-


Papunta ako ngayon sa Computer lab. Yung sched ko kasi ay 5:30-6:30 pm MWF. Noong isang araw ay medyo natagalan ako kasi kailangan ko na talagang tapusin yung activity ko.

Marami-rami na rin ang mga students na nandito pero wala pa naman si Sir. Naupo na ako sa bakanteng upuan.

"Good afternoon." Kararating lang ni sir Hudson at medyo nagmamadali sya

"Now, listen everyone. Nag-imbita ako ng mga experts about computer programming. They're on their way now. So if you have questions about your activities, then feel free to ask them. Hindi na ako magtatagal dahil may importante akong meeting ngayon. I have to go. For your attendance, I'll leave it to Ms. Valentin" sabi ni sir at umalis na rin

Nagsimula na akong mag encode para sa activity na pinapagawa ni sir. Ilang minuto na rin ang nakalipas at malapit ko ng matapos ang ginagawa ko nang biglang may pumasok na mga lalaki na parang kasing-edad lang namin. Apat silang lahat.

Teka, parang pamilyar yung mukha ng isa. Di ko lang matandaan kung saan ko nga ba sya nakita. Mabilis ko kasing nakakalimutan ang mga mukha ng mga taong nakakasalamuha ko lalo na't kung pang-isang beses pa lang kaming nagkita.

Napahinto kaming lahat sa ginagawa namin nung pumunta sila sa harapan. Sila siguro yung tinutukoy ni Sir.

"I'm sure na binanggit na ni Sir Hudson ang tungkol sa pagpunta namin dito. By the way, I'm Brye Stallion." Sabi nung isa sa kanila. Medyo singkit ang mga mata nito at malumanay magsalita.

Tahimik lang kaming nakikinig habang nagsasalita sya sa harapan.

"This is Zircon Goldcrest." Turo nya sa katabi nya. May dimples ito at parating nakangiti. Kumaway na man ito sa'min

"He's Ivo Tarragon." Turo naman nya sa isa nya pang kasama. Nakangiti din ito at nag bow.

Hindi maipagkakaila na matangkad silang lahat lalo na yung isang hindi pa naipapakilala. Napansin ko rin na parang mga half sila. Matatangos ang mga ilong at halatang mayaman dahil sa mga kutis nila.

"And this is Gray Osprey." Turo nya sa pinakamatangkad sa kanila. Siguro mas matangkad sya ng mga 1 inch lang naman.

Nakapamulsa sya at mapapansin na medyo seryoso ito. Medyo kinabahan naman ako nung tumingin sya sa'kin kaya napatungo nalang ako.


*****

Pauwi na ako ngayon at kasalukuyang naglalakad sa hallway. Napahinto ako ng masagap sa peripheral vision ko na may nakamasid sa akin. Medyo nakatago sya sa madilim na parte kaya hindi talaga sya madaling mapansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kunwaring hinulog ko ang hawak kong libro para makalingon ako sa pwesto nung nakamasid sa'kin.

Pasimple kong tumingin sa direksyon nya pero wala na sya doon. Siguro namalikmata lang ako. Gutom na rin naman kasi ako kaya baka nag ha-hallucinate na ako ng kung ano-ano.

Tumayo na ako at nakatungo habang naglalakad dahil tinignan ko pa yung librong hinulog ko. Baka may nahulog kasing papel na nakaipit.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang mabangga ako sa may nakaharang sa daan. Ang sakit ng noo ko.

Bakit may pader sa hallway?

"It's getting late. Your class ended up an hour ago." nakatingin sya ng diretso sa mata ko.

Nakapamulsa rin sya kagaya kanina. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Akala ko kung sino

"Alam ko. May inasikaso pa kasi ako tungkol sa scholarship ko."

Akala ko pader yung nabangga ko. Si Gray pala. Siya yung isa sa mga tumulong sa'min kanina sa computer lab.

"Nasan na pala yung mga friends mo? Bakit ikaw lang mag-isa?"

Naglalakad kami ngayon papunta sa main gate ng school

"I left something in the computer lab so I told them to go home first."

"Ahhh" sagot ko nalang

Wala na kasi akong maisip na sabihin. Medyo na a-awkward ako

"By any chance, am I familiar to you?"

Napahinto ako dahil sa sinabi ni Gray

"Ha?"

umiwas sya ng tingin "Nah, forget it."

Pamilyar ba sya sa'kin? Parang nga. Pero 'di ako sigurado. Makakalimutin na talaga siguro ako

Sign na ata 'to na tumatanda na ako. Emeged.

"Let's go. " sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Teka, hinawakan nya yung kamay ko. At bakit parang init yata ng pisngi ko?

Medyo kinilig ang lola n'yo mga bakla. Charizzz


Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon