Chapter 19- Choices

422 96 40
                                        

Raven's POV

"Dok, kamusta na po ang kalagayan ni nanay Elie? Okay lang po ba sya? Makakalakad pa ba sya? Makakapaglaro pa ba sya ng Chinese garter?" hindi ko maiwasang kagatin ang kuko ko sa sobrang kaba.

Nandito ako ngayon sa labas ng emergency room at kalalabas lang ni Doc mula sa ginawa nyang pag-oopera kay nanay.

"Luckily, the gunshot was not made by a high-velocity and a high-caliber weapon. It's a handgun which cause a fair amount of injury on her leg."

Napangiti ako "Mabuti naman po kung ganon Doc. Alam ko namang madali lang yang maka-recover si nanay Elie katulad nung mga nakikita kong nababaril sa TV."

Napailing si Doc. "In the movies, the leg is arguably the best place to be shot. But in reality, leg wounds can result in amputated limbs or even death if a bullet ruptures particular veins or arteries. Without immediate medical intervention, the wound would have killed the patient." hala, ganun ba yun?

"Talaga po Doc? P-pero magiging okay po ba si nanay Elie?"

Tumango naman sya. "She's stable now. Fortunately, there are no extensive tissue damage and complications while we are doing the operation. But still, treatment principles must be understood and regularly reevaluated." pagpapaliwanag ni dok at umalis na rin

Pilit kong inaalala ang lalaking nakita ko. Sino kaya yun? Anong kailangan nya sa amin? Naaalala ko pa nga, may tattoo sya sa kaliwang braso nya. Hindi nga lang madaling makita pero napansin ko yun habang nakikipaglaban ako sa kanya. Ano kaya ang sinisimbolo nun?

"Na shock talaga kami nung nagtext ka sa amin kanina. Sorry talaga Raven, medyo natagalan kami sa pagpunta dito. Alam mo na, lunch time lang ang sabay-sabay naming free time."

Napahinto ako sa pag-iisip nung magsalita si Azure. Kararating lang nya

Lunch time? Ibig sabihin ilang oras na pala akong nandito?

"Yeah, we're very sorry. By the way, how's your nanay Elie?" patingin-tingin naman sa pinto ng emergency room si Viona

Napaupo ako sa upuan at napatungo "Magiging okay din sya sabi ni Dok Sierra. Kailangan daw nilang mag monitor sa kanya kaya medyo matatagalan pa sya dito sa ospital"

"Are you okay Raven?" nag-aalalang tanong  ni Sapphire habang hinihimas ang likuran ko

Tumabi si Azure sa akin "Don't worry Raven, gumawa kami ng excuse letter mo. Inexplain na rin namin ang nangyari sa Dean ng department mo. Pinirmahan naman nya kaya excuse ka ngayong araw."

"Thanks."

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Inaalala pa rin nila ako at pinuntahan pa dito kahit na napaka hectic ng mga schedules nila ngayon. Naging magkaibigan kami simula nung dito na ako nag-aral sa Pilipinas, pagkatapos mamatay ni daddy.

"Kumain ka na ba Raven?"

Nagthumbs up ako "Oo, tapos na Viona." pagsisinungaling ko. Ayaw ko na kasing pag-aalahanin pa sila.









Zircon's POV

"Grabe naman yung nangyari sa nanay ni Raven tol." pagbasag ni Ivo sa katahimikan dito sa office namin

Ngayon lang namin nalaman yung nangyari. Pinaalam ito sa amin ng Dean ng Engineering department.

Napaayos ako ng upo at napahawak sa baba ko "Siguro mga magnanakaw ang may gawa nun."

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon