Chapter 28- Risk

334 63 30
                                        

Raven's POV

Nagising  ako nung maramdaman kong parang naiihi ako. Teka, anong oras na ba? Sinulyapan ko ang suot kong relo.

4:52 AM

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa bahay-bahayan na ginawa ni Gray kahapon. Nga pala, paano ako nakapunta dito? Ang natatandaan ko kase, nakaupo ako katabi si Gray kagabi.

"Speaking of Gray, asan na nga ba yun?"

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa gubat. Hindi naman ako takot kaya okay lang. Ang problema ko lang ay kung anong gagamitin kong pang-ilaw.

Wala akong dalang flashlight at lowbat din ang cellphone ko. Buti na lang at full moon, atleast nakikita ko yung dinadaanan ko.

"Gray, nandito ka ba?" mahina kong sambit habang patuloy pa rin sa paglalakad

Nasan na nga ba kasi sya? Teka, iniwan ba nya ako?

Patay ka sa'kin pag nakita kita Gray.

"Pre, parang may apoy sa bandang dun."

Napatago ako sa may puno nung may narinig akong nagsalita.

"Tara puntahan natin. Baka nandun sila nagtatago."

Nagtatago?

Kami ba ang tinutukoy nya?

I think so.

"Sa wakas, makikita na din natin sila. Matutuwa talaga si master pag nahuli natin yung babae."

Dahan-dahan silang naglakad papunta sa bonfire na halos di na nag-aapoy.

Walang-imik ko rin silang sinundan nang biglang...

"Aray!" tinakpan ko agad ang bibig ko nung napagtanto kong napasigaw pala ako.

Shit.

Ang sakit ng paa ko. Ano ba yung natapakan ko?

"Narinig mo yun pre?"

"Ang alin?"

"Parang may sumigaw eh. Di mo talaga narinig?"

"Baka guni-guni mo lang yun pre. Tara na nga."

Nakahinga ako ng maluwag nung nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

I really thought na makikita na nila ako. May dala pa naman silang baril.

Habang nagmamasid sa kanila ay 'di ko napigilang mapabahing. This is not good.

"Pre, parang may bumahing." wika naman nung isang lalaki sabay lingon sa direksyon ko kaya napayuko ako agad

"Achooo!"

I'm dead.

"Narinig ko nga. Tara, tingnan natin."

Nararamdaman kong malapit na sila sa kinaroroonan ko.

Oh em. What am I supposed to do?

"Acho-mmmp"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung may nagtakip sa bibig ko

"Shhh you'll gonna get us caught." bulong ni Gray sa akin

Nakahinga naman ako ng maluwag nung binitawan nya ako "Eh ba't ka kasi nawawala ng basta-basta? Edi sana hindi-mmmp."

"SHUT. UP."

Ang sungit.

Di man lang ako pinag-explain.

"Teka Gray, tayo ba ang pinunta nila dito? Nasundan ba tayo?" bulong ko sa kanya

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon