Raven's POV
"Raven, ba't ka natulala dyan?"
Napatingin naman ako kay Azure nung magsalita sya "Ahm, wala 'to Azure. May iniisip lang ako."
-flashback-
Yes, sa wakas nakabili na rin ako ng stick-o at chocolate. Naglalakad ako ngayon papuntang bahay. Nasira kasi yung jeep na sinasakyan ko. Pambihira! Ang layo-layo pa naman ng bahay namin.
Medyo madilim na rin pero kita pa naman ang daan pero pano na yan, malayo pa ang amin. Kung meron mang sasakyan, puno din naman tapos hindi naman ako pinapasakay kahit na pumara na ako.
Teka lang, parang may sumusunod. Pero ayaw kong huminto at lumingon noh. Baka may makita pa akong taga outer space kagaya ng alien dito. 'Wag naman sana.
"Miss, kung gusto mo pang mabuhay, ibigay mo na sa akin lahat ng gamit mo!"
Napahinto ako nung may biglang nagsalita at teka, ba't bigla-bigla na lang itong sumusulpot?
"Bakit, wala ka bang perang pambili kuya?" hindi ko pa rin sya nililingon
Yung totoo, nakakakilabot ang tono ng boses ni kuya
Humarap muna ako kay kuya at tinitigan sya sa mata bago ako muling nagsalita "Teka lang, pati ba 'tong stick-o at chocolate? Hindi pwede yan, paborito ko 'to eh."
Napansin ko, may hawak palang kutsilyo si kuya
"Aray kuya, ang sakit!" daing ko.
Ang sakit ng braso ko. Hinawakan nya kasi ng mahigpit. Ang sama nito ah!
"Let her go asshole."
Hindi ko napansin na meron palang gwapong lalaki na agad naman sumulpot dito. Teka, sino-
"Bakit, sino ka ba?"
Yun din ang tanong ko eh, naunahan lang ako ni kuya
"None of your business, shithead."
Wala man lang bahid ng takot ang pagkasabi nya nun. Tapos ang bilis lang ng mga pangyayari, nakahandusay na si kuya dahil sa pagkasuntok nya dito.
*****
"Teka, parang pamilyar ka sa'kin kuya." Sambit ko habang nakatingin sa kanya na seryosong nagmamaneho ng sasakyan.
Ihahatid daw nya ako sa amin. Hindi na man sya mukhang masama kaya okay lang.
"Kuya again?"
"Teka, ano pala ang pangalan mo?"
Tumingin muna sya sa'kin bigla tapos binalik ang tingin sa kalsada bago magsalita "Thank me first."
"Oo nga pala, salamat kanina."
"Okay."
yun lang ang sasabihin nya?
"Anong okay kuya?"
ang tipid nya namang magsalita
"Can you stop calling me 'kuya'? It's exasperating."
"Ayaw mo kasing sabihin ang pangalan mo kaya yun na lang. Gusto mo ba manong na lang? O di kaya Pre?" pagbibiro ko naman
Ang seryoso masyado ng atmosphere dito. Natetense ang lola nyo mga sis
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiyonHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
