Chapter 15- Affinity

459 102 50
                                    

Raven's POV

“Ate Raven, galit po ba sa’min si kuya Gray?” inosenteng  tanong ni Jonabrid

Nandito pala kami ngayon sa bahay-ampunan. Dalawang oras na rin ang nakakalipas at ngayon, nakikipaglaro ako sa mga bata dito habang si Gray naman ay nagmamasid lang sa paligid

KJ ang isang 'to.

Tiningnan ko naman si Gray na nakapamulsang nakatayo at seryosong nakatingin sa’min “Ha? Hindi ah, bakit naman sya magagalit sa inyo.”

Kasalukuyan kong sinusuklayan ang kanyang mahabang buhok. May hawak syang manika kaya sinusuklayan din niya ito.

“Ay, baka po nagtampo si kuya kase di natin sya sinali. Ate Raven, tawagin natin si kuya.” Sabi ni Isay na kalaro din ni Jonabrid.

Bago pa man ako nakapagsalita ay pinuntahan na nila si Gray.

“Naku, ito talagang mga batang to.”

“Kuya Gray. Hali ka na po. Maglaro po tayo.”  hinihila ni Jonabrid ang damit ni Gray

Halata namang naiilang si Gray kase hindi nya alam kung anong isasagot nya at panay iwas ng tingin

“Sige na po kuya Gray. Malulungkot po si ate Raven kapag hindi ka po sumali sa laro namin.” Dagdag naman ni Isay sabay kindat sakin.

Dinamay pa talaga ako neto

Tiningnan naman ako ni Gray kaya nagkibit-balikat na lang ako. “Ngumiti ka naman Gray. Tingnan mo nga yang mga bata, natatakot sa mukha mo.” Bulong ko sa kanya

"..." Tiningnan lang nya ako

“Sige na. Ngingiti na yan.” Sabay sundot ko sa tagiliran nya

“Fine. If that’s what makes your ate Raven happy, then I'll join you.” napaiwas naman ako ng tingin

Ano ba yan, bakit parang ang init yata ng pisngi ko?

'Di ako kinikilig.

“Yey! Tara na ate Raven.”  tumatalon-talon pa sila Isay at Jonabrid

hinawakan nya ang kamay ko “Let’s go.”

Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan nya ang kamay ko.

“What’s wrong? Is everything okay?” nag-aalalang tanong ni Gray nung napansin nyang hindi ko pa nahahakbang ang mga paa ko

“Ha? W-wala naman. Tara na. Hinihintay na nila tayo.”

Hinila ko na lang sya papunta sa kinaroroonan ng mga bata

Akala ko talaga ay mahihirapan akong makumbinse si Gray na pumunta dito. Buti nalang at hindi naman sya nagreklamo. Kaya lang, may napansin ako sa kanya. Di ko alam kung first time lang ba syang nakapunta dito o may iba pang dahilan. Medyo nag-iba kase ang mood nya nung malaman nyang dito kami pupunta.


-flashback-

Nakapagbihis na ako. Buti na lang at may damit na pambabae dito sa apartment ni Gray. Kanino kaya to?

Nakapagtataka naman, parang hindi naman to kasya kay Gray kung susuotin nya to at hindi bagay sa kanya no! Siguro, sa mama nya to. Pero parang di naman.

*door knocks*

“Raven, are you done?”

Nagulat ako nung biglang kumatok si Gray sa pintuan.

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon