Raven's POV
Nandito ako ngayon sa computer lab. Fifteen minutes na ang nakalipas pero wala pa rin si Sir Hudson.
"Excuse me, pinapasabi pala ni sir na hindi muna sya makakapunta dito for a week. May importante kasi syang inaasikaso ngayon." sabi ni Zack, isa sa mga strivers dito sa university.
Strivers ang tawag sa mga working students dito sa School namin.
Kung ganun, eh pano na ang subject namin? Gusto ko pa namang malaman kung paano mang hack. Echos lang, hindi naman yun tinuturo ni sir Hudson.
"Wag kayong mag-alala, may pansamantala namang papalit sa kanya. Siguro dadating na din sila."
Teka, tama ba yung narinig ko? Sinabi nya bang SILA? Ang dami namang teachers non. Ganun na ba kagaling si sir kaya mahirap pantayan?
*****
"Raven, you're not doing it right. Find another formula that will suit in solving that equation." kunot-noong wika ni Gray
Nahihiya na talaga ako. Bakit naman kailangan nya pang banggitin ang pangalan ko? Hindi porket magkakilala kami e, magiging advantage nya yun para ipahiya ako noh. Tinitingnan tuloy ako ngayon ng mga classmates ko. Mamaya ka talaga sa'kin Gray pag natapos na tong subject.
Ang sarap mong sakalin at ipasok sa kahon
Mga 30 minutes na mula nung dumating sila dito. Sila pala ang temporary replacement kay sir? Bakit di na lang yung ibang professors? Pag minamalas ka nga naman.
Kung may baseball bat ako dito, kanina ko pa hinampas sa noo yang si Gray. Naiistress ako ha.
"Raven, intindihin mo na lang ang isang yan. Ganyan talaga sya pag nagtuturo, kina-career masyado haha." nandito pala si Brye sa gilid ko
"Ahhh kaya pala." pasimple kong tiningnan si Gray na abala naman sa pagtuturo sa mga classmates ko
"What? Do you need something?" umiwas kaagad ako ng tingin nung mahuli nya ako
-after several minutes-
Yes! Natapos rin ako. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng computer lab habang nag-uunat-unat. Ako na lang pala ang natitira. Ang bilis naman nilang natapos.
Teka, nasan na sila Gray?
Habang inaayos ko ang mga gamit ko, nararamdaman kong may nagbukas ng pinto ng computer lab. Di ko sya nakikita kasi nakatalikod ako sa gawi nya. Baka si Zack siguro, yung striver.
"Zack, ikaw na ang bahala dito. Mauna na ako sayo." sabi ko habang nakatalikod pa rin
Bakit di sya sumasagot?
Nararamdaman kong nasa likuran ko na sya kaya dahan-dahan akong humarap "Zack, bakit 'di ka sumasagot—"
Akala ko mamamatay na ako dahil sa heart attack. Buti na lang at wala akong sakit sa puso.
"Ano ka ba naman Gray, nakakagulat ka naman!" umatras ako ng konti habang nakaupo pa rin
Sino ba namang hindi magugulat? Ang lapit kaya ng mukha nya sakin. Muntik nya ng manakaw ang FIRST KISS ko noh! Naku naku! pag nangyari yun, iiyak talaga ako ng bonggang-bongga at sisipain ko yung ANO nya.
Napacross arms na lang ako "Hoy! Magsalita ka nga."
Tinitingnan lang nya kasi ako. 'Di man lang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Their Identities
AcciónHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...